Home NATIONWIDE 76 nakaw na sasakyan narekober ng HPG noong Enero

76 nakaw na sasakyan narekober ng HPG noong Enero

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na nasa 76 nakaw na sasakyan ang narekober nila at 45 suspek ang naaresto noong Enero.

Sa pahayag, sinabi ni HPG officer in charge Brig. Gen. Eleazar Matta na kabilang sa mga narekober ay ang 59 motor vehicles at 17 motorsiklo.

Samantala, 14 criminal cases ang inihain laban sa mga sangkot sa pagnankaw ng sasakyan.

Noong Enero, sinabi ni Matta na ang pagpapalakas ng HPG sa crackdown ay nagresulta sa kabuuang 17,185 operasyon na binubuo ng
9,768 initiated operations at 4,417 joint operations kasama ang iba pang law enforcement agencies.

Bukod sa major anti-vehicle theft efforts, sinabi rin ni Matta na mahigpit na ipinatupad ng HPG ang mga batas-trapiko sa ilalim ng Republic Act 4136 (Land Transportation and Traffic Code), kung saan kabuuang 420 motor vehicles at 2,534 motorsiklo ang na-impound.

Nag-isyu rin ang mga enforcer ng 9,857 temporary operator’s permits, 5,895 ordinance violation receipts (OVRs), at 24,883 traffic citation tickets (TCTs) sa mga violator.

Samantala, ang pinalakas na kampanya ng HPG sa
unauthorized vehicle modifications sa ilalim ng Presidential Decree 96 ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang sirena, 134 busina, 260 blinkers, 3,205 illegal lights, at 79 modified mufflers, habang nasa 1,025 sasakyan ang nahuli ng HPG sa paglabag sa “No Plate, No Travel” policy.

“These accomplishments reflect the commitment of the men and women of the Highway Patrol Group in ensuring the safety of motorists and pedestrians alike. Our operations are driven by integrity, vigilance, and the pursuit of justice. We will remain steadfast in our mission to rid our roads of criminal elements and keep our highways safe for every Filipino,” pahayag ni Matta. RNT/JGC