Home NATIONWIDE National full scale ng Food Stamp Program kasado sa Hulyo

National full scale ng Food Stamp Program kasado sa Hulyo

MANILA, Philippines — Sa darating na Hulyo, 300,000 pang kabahayan ang isasama sa Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayon sa isang opisyal ng ahensya.

Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay na naghahanda sila para sa national full scale na pagpapatupad ng nasabing proyekto sa Hulyo kung saan ang mga benepisyaryo mula sa 10 rehiyon at 21 probinsya ay tatanggap ng buwanang food credits.

Kamakailan ay natapos ng departamento ang anim na buwang pilot program sa Tondo, Manila habang ang ibang mga site ay matatapos sa kanilang programa sa Hunyo.

Sa panahon ng pilot implementation, tinuturuan din ang mga benepisyaryo tungkol sa malnutrisyon at kung paano lutasin ang problemang ito, bukod sa pagtanggap ng skills training.

Isa pang 300,000 benepisyaryo ang target para sa 2025, at 400,000 benepisyaryo sa 2026. Umaasa ang DSWD na matulungan ang kabuuang 1 milyong Pilipino sa loob ng tatlong taon. Santi Celario