Home NATIONWIDE Vape products kailangan nang irehistro simula Hunyo

Vape products kailangan nang irehistro simula Hunyo

MANILA, Philippines – Irerehistro na simula Hunyo ang vape products, ayon sa anunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon sa DTI, dapat may Philippine standard o PS mark at import commodity clearance o ICC steaker na ang mga vape products para masiguro na maganda ang kalidad ng produkto.

Gayunman, mayroon pang anim na buwang transition period ang  manufacturers kung saan hayaan munang maibenta hanggang maubos ang nakapasok nang inventory.

Ngunit sinabi ni DTI Asec. Amanda Nograles, pagdating ng Enero 5 ,2025 ay magsasagawa na ng market clearing.

“Pagdating ng January 5,2025 yun na po Yung magma-market clearing tayo na wala nandaoat kahit anong vape na walang PS license Yung manufacturer o ICC”, pahayag pa ni Nograles.

Ang Bureau of Internal Revenue naman ay maglalagay na rin ng tax stamps sa Hunyo upang hindi na kumalat ang mga unregulated o illegal na produkto.

Sinisiguro din ng DTI na wala sa merkado ang kontrobersyal na vape na may marijuana oil sa kanilang pag-iikot.

Sa mga monitoring enforcement , sinabi ni Nograles na kapag may nahuli ay agad itong irerefer sa PDEA. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)