Home NATIONWIDE Pope Francis nag-public apology sa homophobic remarks

Pope Francis nag-public apology sa homophobic remarks

VATICAN CITY – Napakabihira para sa isang Santo Papa na maglabas ng public apology makaraang humingi ng paumanhin sa sinumang nasaktan nito matapos magpahayag ng paglalarawan sa mga LGBT community sa hindi nilalayon na paggamit niya ng homophobic na wika.

“The pope never intended to offend or express himself in homophobic terms, and he apologizes to those who felt offended by the use of a term reported by others,” sinabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni.

Nitong Lunes, laman ng balita sa Italya na si Pope Francis ay gumamit ng Italian term na “frociaggine,” halos isinasalin bilang “faggotness” o “faggotry,” gaya ng sinabi niya sa mga obispong Italyano na nanatili siyang tutol sa pagtanggap ng mga bakla sa priesthood.

Ito ay nangyari sa isang close door meeting kasama ng mga Italian Bishops noong Mayo 20,ayon sa Italian political gossip website Dagospia.

Inulit ng Vatican spokesman na ang Papa ay nanatiling nakatuon sa isang malugod na Simbahan para sa lahat, kung saan “walang sinuman ang walang silbi, walang sinuman ang labis, [kung saan] may puwang para sa lahat.”

Ang kanyang mga naiulat na komento ay nagdulot ng pagkabigla at pagkalito, maging sa kanyang mga tagasuporta.

Noong 2013, sa pagsisimula ng kanyang papacy, sinabi niyang: “If a person is gay and seeks God and has good will, who am I to judge?”

Noong nakaraang taon, pimahintulotan niya ang mga Pari na basbasan ang mga miyembro ng same-sex couples,na nag-trigger ng isang malaking konserbatibong backlash.

Noong 2018, inamin ni Francis na gumawa ng “malalaking pagkakamali” sa paghawak ng krisis sa pang-aabusong sekswal sa Chile, kung saan una niyang ibinasura bilang mga akusasyon ng paninirang-puri laban sa isang obispo na pinaghihinalaang nagpoprotekta sa isang predator priest.

“I apologize to all those I have offended and I hope to be able to do it personally in the coming weeks, in the meetings I will have [with victims],” he wrote in a letter to Chilean bishops. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)