MANILA, Philippines – Nagpatuloy na ang registration para sa National ID sa CALABARZON sa Enero 20.
Sinabi ng Philippine Statistics Office (PSA) na inilunsad ang registration slots sa mga lokal na opisina at mobile registration units sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.
Layon ng muling pagbubukas ng registration centers na matulungan ang mas marami pang Filipino na makakuha ng National ID na magagamit bilang valid proof of identity para sa public at private transactions. RNT/JGC