Home NATIONWIDE Nationwide anti-dengue drive gugulong sa Peb. 24 – DOH

Nationwide anti-dengue drive gugulong sa Peb. 24 – DOH

UMARANGKADA ang 143 volunteer ng PRC Malabon Chapter na pinamumunuan ni Chairman Ricky Sandoval ang paglilinis at pagtatanggal ng mga basura sa Longos Creek sa isinagawang Nationwide Simultaneous Linis BEAT dengue campaign ng Philippine Red Cross sa Barangay Longos, lungsod Malabon. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines-Magsasagawa ng anti-dengue clean-up drive ang Department of Health sa buong bansa sa Lunes, Pebrero 24, sa gitna ng pataas ng kaso ng dengue.

Ilulunsad ang ‘Alas-Kwatro Kontra Mosquito’ drive ng alas-4 ng hapon.

Sa Facebook post, sinabi ng DOH na makikiisa sa programa ang ilang mga lugar kabilang ang mga sumusunod:

  • Brgy. Batasan Hills, Quezon City

  • Brgy. Bolong Oeste, Sta. Barbara, Iloilo

  • Municipal of San Dionisio, Iloilo

  • Brgy. 1, San Jose, Antique

  • Municipals of Guimaras

  • Brgy. Tondog, Aklan

  • All government offices in Negros Occidental

  • Municipal of Josefina, Zamboanga del Sur

  • Oroquieta City, Misamis Occidental

  • El Salvador City, Misamis Oriental

  • Iligan City, Lanao del Norte

  • Municipal of Norala, South Cotabato

  • Municipal of of Banga, South Cotabato

  • Municipal of Surallah, South Cotabato

  • Municipal of Tantangan, South Cotabato

  • Municipal of Tupi, South Cotabato

  • Municipal of Lebak Sultan, Kudarat

  • Municipal of Columbio, Sultan Kudarat

  • General Santos City

  • Buhangin, Davao City

Iniulat ng DOH noong Biyernes na mayroong kabuuang bilang na 43,732 dengue cases mula Enero hanggang Pebrero 15, 2025. Nabatid na ito ay 56 porsyentong pagtaas mula sa 27,995 na kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Gayunman, naobserbahan nito ang limang porsyentong pagbagal ng mga kaso sa nakalipas na apat na linggo.

Dagdag pa, 17 local government units mula sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon), National Capital Region, at Central Luzon ang idineklara bilang dengue hotspots. Jocelyn Tabangcura-Domenden