MANILA, Philippines – Inilunsad nitong Miyerkules, Abril 2 ng Commission on Elections ang nationwide distribution ng
voter’s information sheets (VIS) para sa Eleksyon 2025.
Kasama si Commissioner Rey Bulay, personal na pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang pamamahagi ng kopya ng VIS sa mga registered voters sa F.B. Harrison Street sa Pasay City.
Ang VIS ay naglalaman ng pangalan ng botante, address pati ang instructions at paalala kung paano bumoto.
Kasama rin ang listahan ng national at local candidates at 155 party-lists para sa 2025 National at Local Elections.
Nakumpleto ang pag-imprenta ng 68 milyong VIS para sa May election noong nakaraang linggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden