Home HOME BANNER STORY Nationwide enrollment itinakda ng DepEd sa Hunyo 9-13

Nationwide enrollment itinakda ng DepEd sa Hunyo 9-13

MANILA, Philippines – Itinakda ng Department of Education (DepEd) ang nationwide enrollment para sa mga pampublikong paaralan mula Hunyo 9 hanggang 13 para sa School Year 2025–2026.

Magsisimula ang klase sa Hunyo 16.

Hinihikayat ang mga magulang na magpatala sa loob ng nasabing panahon upang maiwasan ang abala.

May opsyong online at on-site na enrollment.

Kailangang magpatala ang mga papasok ng kindergarten, transferees, at mga estudyanteng papasok sa Grades 1, 7, at 11.

Ang iba ay awtomatikong pre-registered.

Ang darating na school year ay pagbabalik sa pre-pandemic calendar at tatagal mula Hunyo 16, 2025 hanggang Marso 31, 2026.

Mananatiling face-to-face ang pangunahing paraan ng pagtuturo, ngunit gagamitin ang distance learning kapag kinakailangan.

Isasagawa rin ang mandatory health assessments ng mga estudyante sa panahon ng Brigada Eskwela at sa unang tatlong linggo ng klase. Santi Celario