MANILA, Philippines – Binago ng Department of Education (DepEd) ang patakaran sa edad ng pagpasok sa Kindergarten.
Simula School Year 2025–2026, papayagan nang makapag-enroll ang mga batang maglilimang taong gulang sa o bago ang Oktubre 31, mula sa dating cutoff na Agosto 31.
Layunin ng patakarang ito na bigyan ng mas maraming bata ng pagkakataong makapag-aral ng maaga.
Maari ring tanggapin ang mga maglilimang taon mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31 kung nakatapos sila ng isang taong Early Childhood Development (ECD) program o pumasa sa readiness checklist.
Sakop din ng polisiya ang mga pribadong paaralan na maaaring magdagdag ng sariling screening process.
Inaasahan ng DepEd na tataas ang bilang ng enrollees, kasabay ng enrollment period sa Hunyo 9 hanggang 13 at pagbubukas ng klase sa Hunyo 16. Santi Celario