Home HOME BANNER STORY Panukalang batas na nagkakalos sa Senior High School inihain ni Sen. Jinggoy

Panukalang batas na nagkakalos sa Senior High School inihain ni Sen. Jinggoy

324
0

MANILA, Philippines – Naghain si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ng panukalang batas (Senate Bill No. 3001) upang tanggalin ang Senior High School (SHS) mula sa programang K to 12.

Ayon kay Estrada, hindi pa rin natutupad ng SHS ang layunin nitong makapagtapos ng mga job-ready na mag-aaral kahit 12 taon na ang nakalipas mula nang maipatupad ang Republic Act No. 10533.

Iminungkahi niyang ibalik ang lumang sistema na may 1 taon na Kindergarten, 6 taon na Elementarya, at 4 taon na High School.

Dagdag niya, ito ay upang mabawasan ang pasanin sa oras at gastusin ng mga magulang at estudyante, habang pinapahusay ang sistema ng edukasyon.

Samantala, magsisimula rin sa SY 2025–2026 ang pilot testing ng revised SHS curriculum sa 841 paaralan.

Babawasan ang core subjects mula 15 kada semester tungo sa 5 kada taon, kabilang ang Mabisang Komunikasyon, Life Skills, General Mathematics, General Science at Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino.

Ang dating “applied” at “specialized” subjects ay tatawaging electives at ilalagay sa ilalim ng Academic at Tech-Voc (TechPro) clusters.

Papayagan din ang mga estudyante na kumuha ng subjects mula sa iba’t ibang strand sa pamamagitan ng “doorway option.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here