Home HOME BANNER STORY Bantag, Roque, Dumlao ha-huntingin ni Torre

Bantag, Roque, Dumlao ha-huntingin ni Torre

MANILA, Philippines – Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III na may hawak na silang impormasyon sa kinaroroonan ni dating BuCor chief Gerald Bantag, na nahaharap sa kasong murder dahil sa pagpatay kay mamamahayag Percival “Percy Lapid” Mabasa noong 2022.

Ayon kay Torre, wala ring rekord na lumabas ng bansa si Bantag at patuloy ang intelligence operations para siya’y maaresto.

Bukod kay Bantag, target din ng PNP ang iba pang kilalang pugante tulad nina Harry Roque, dating tagapagsalita ng pangulo, dahil sa kasong trafficking at Rafael Dumlao III, dating police lieutenant colonel.

Giit ni Torre, ginagamit nila ang intelihensiya at puwersa sa paghuli ng high-profile na mga personalidad kung kinakailangan.

Pinanindigan din ni Torre ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay hepe ng CIDG, bago ito dinala sa The Hague upang harapin ang kasong crimes against humanity.

Ayon sa kanya, legal ang naging proseso, at hihintayin nila ang desisyon ng Ombudsman kaugnay sa mga batikos ng Senado. RNT