Home HEALTH DOH: Antiretroviral drugs, testing kits sapat sa gitna ng sirit-HIV

DOH: Antiretroviral drugs, testing kits sapat sa gitna ng sirit-HIV

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat ang supply ng libreng antiretroviral na gamot at mga testing kit para sa HIV, sa gitna ng mabilis na pagtaas ng kaso, lalo na sa mga 15 hanggang 25 taong gulang.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, tatlong buwang supply ng libreng gamot ang natatanggap ng mga pasyente, na pinopondohan ng PhilHealth.

Available ang HIV self-test kits sa mga botika, ngunit kailangang kumpirmahin ang positibong resulta sa mga treatment hub.

“Iyong self-test kit naman, personal, puwede nilang bilhin sa ating mga pharmacy at botika para malaman nila in a rapid test kung positive sila o hindi. Pero kailangan pa rin itong i-confirm ng actual test doon sa confirmatory test sa treatment hub. So, kapag nag-negative, eh di okay ka, safe; kapag nag-positive, kailangan pumunta ka sa ating mga treatment hubs,” ani Herbosa. RNT