Home NATIONWIDE Navotas floodgate kailangan nang isailalim sa rehabilitasyon – DPWH

Navotas floodgate kailangan nang isailalim sa rehabilitasyon – DPWH

MANILA, Philippines – Kailangan nang isailalim sa rehabilitasyon ang 30-anyos na floodgate sa Navotas City.

“Yung floodgate na yan, lumang-luma na yan. I think it’s about 30 years old na yan. So, kailangan irehabilitate ng husto,” pahayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa isang panayam.

Matatandaan na may mga nasirang bahay makaraang gumuho ang tatlong metrong pader sa Barangay San Jose dahil sa tubig mula sa high tide.

Inanod din ng tubig ang sandbag wall, ayon sa Navotas local government unit.

Ani Bonoan, nakikipagtulungan na ang DPWH para sa feasibility study kasama si Navotas Representative Toby Tiangco sa pagpapalit ng floodgate.

“Gumagawa kami ngayon ng feasibility study on how we are going to replace it, but in the meantime, operational pa naman iyan ngayon,” sinabi pa ni Bonoan.

Sa ngayon ay mahigpit na minomonitor ng DPWH ang floodgate.

Nitong Linggo ay nakaranas ng matinding pagbaha ang ilang lugar sa Navotas dahil sa naturang insidente. RNT/JGC