MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Navy nitong Biyernes na ang “Re-Horizon 3” o ang ikatlong phase ng Modernization Program ng Armed Forces of the Philippined (AFP) nakahanay para sa naval warfare branch nito.
“I would say that we are on track with our targets,” pahayag ni Philippine Navy spokesperson for West Philippines Sea (WPS) Rear Admiral Roy Vincent Trinidad sa isang panayam.
Sinabi ni Trinidad na ang $35 bilyon o mahigit P2 trilyong budget para sa Re-Horizon 3 ay hindi magiging “one-shot” deal, subalit tuloy-tuloy na pagsisikap para sa pagpapahusay ng kapabilidad ng Armed Forces.
“Kung kinakailangan pa na i-improve ito, more will be added,” pahayag niya.
Nauna nang sinabi ng Philippine Navy nitong linggo na bibili ng karagdagang corvette warships at anim na offshore patrol vessels (OPVs) sa ilalim ng modernization program ng militar. RNT/SA