Home METRO Suspek sa robbery-extortion nalambat ng NBI

Suspek sa robbery-extortion nalambat ng NBI

180
0

MANILA, Philippines- Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na sangkot sa isang robbery-extortion case sa entrapment operation sa Subic Bay Freeport Zone.

Ayon sa NBI nitong Biyernes, tinapos ng complainant ang kanyang relasyon sa suspek nang matuklasang may asawa na ito.

Kasunod nito, nagpadala umano ang suspek ng “slanderous messages” sa mga kakilala ng biktima at pinagbantaan itong ilalabas ang mga pribadong video hangga’t hindi siya binabayaran ng P300,000.

Naglunsad ang NBI ng entrapment operation noong Huwebes sa isang restaurant sa Subic Bay Freeport Zone.

Sa nasabing operasyon, humingi umano ang suspek ng kabayarang P300,000 o nag-alok na lamang umano ng sexual acts bilang alternatibo.

Sa puntong iyon, inaresto na ng NBI agents ang suspek.

Kasalukuyang sumasailalim ang indibidwal sa inquest proceedings at nahaharap sa patong-patong na mga kaso, kabilang ang Robbery with Violence or Intimidation, paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, at paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here