Home NATIONWIDE Nawawalang mangingisda sa Subic napadpad sa dagat ng Palawan

Nawawalang mangingisda sa Subic napadpad sa dagat ng Palawan

215
0

MANILA, Philippines – Natagpuan na ang mangingisda na nawawala matapos pumalaot sa Silanguin Cove, San Antonio, Zambales, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Kinilala ang mangingisda na si Melvin Salazar, residente ng Barangay Cawag sa Subic.

Sakay si Salazar ng bangkang pangisda na Jonamae nang iulat na nawawala noong Enero 5.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakita na sakay si Salazar ng bangkang FFB Jonamae nang tangayin ito matapos ang pagpalya ng makina.

Ayon sa PCG, habang nagsasagawa ng radio broadcasts ang BRP Cabra (MRRV-4409) sa mga fishing boat at mga barko na dumaraan sa lugar para sa mga posibleng nakakita, iniulat ng fishing boat Supremo na si Salazar ay narekober na.

Nasagip siya ng mga mangingisda na sakay ng FFB Maton malapit sa Diente Point sa Taytay, Palawan noong Huwebes, Enero 15.

Si Salazar na sakay pa rin ng FFB Maton, ay ligtas at nasa maayos na kondisyon.

Inaasahang darating ang bangka sa Mamburao, Mindoro sa Martes. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here