Nagpapatuloy ang paghahanap ng Los Angeles Lakers ng kanilang bagong coach ng franchise at pinahintulugan ang isang grupo ng mga assistant coach ng koponan na makausp ang mga kandidato.
Iniulat kahapon na kasama sa listahan sina James Borrego ng New Orleans, David Adelman ng Denver, Sam Cassell ng Boston, Micah Nori ng Minnesota at Chris Quinn ng Miami Heat.
Nagpahayag din umano ng interes si Lakers general manager Rob Pelinka sa kasalukuyang ESPN analyst na si JJ Redick.
Humiwalay ang Lakers kay Darvin Ham kasunod ng kanilang first-round playoff loss sa Denver Nuggets.
Si Ham ay 90-74 sa kanyang dalawang season sa pamumuno sa Los Angeles.