Umiskor si Shai Gilgeous-Alexander ng 35 puntos para pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa 125-93 home win laban sa Denver Nuggets sa Game 7 ng kanilang Western Conference (WC) second-round series kahapon.
Umabante ang Thunder sa Western Conference Finals sa unang pagkakataon mula noong 2016. Binuksan ng Oklahoma City ang conference finals laban sa Minnesota Timberwolves sa kanilang tahanan noong Martes.
Matapos umiskor lamang ng anim na puntos sa pagkatalo noong Huwebes, nakabangon si Thunder All-Star Jalen Williams at nagbuhos ng 24 puntos sa 10-of-17 shooting. Si Gilgeous-Alexander ay 12 of 19 mula sa floor na may tatlong steals at walang turnovers.
Sa simula pa lang, mukhang dinadala ng Nuggets ang momentum mula sa kanilang panalo sa Game 6. Nanguna ang Denver ng double digits may isang minuto ang natitira sa unang quarter bago natangay ng Thunder ang 13-0 run na sumasaklaw sa una at ikalawang quarter para manguna sa unang pagkakataon.
Nakuha ng Thunder ang kalamangan sa 3-pointer ni Luguentz Dort may 7:20 na natitira sa first half. Isinara ng Oklahoma City ang unang kalahati sa isang 18-5 run, kabilang ang back-to-back Denver turnovers na humantong sa buckets ni Williams sa kabilang dulo at tumulong sa Thunder na bumuo ng 60-46 lead sa halftime.
Pagkatapos ay pinalamig ng Thunder ang laro as 3rd quarter na may 37-point, na may 10 sa mga puntos na iyon ay nagmula sa limang turnovers ng Nuggets. Nanguna ang Oklahoma City ng hanggang 43 puntos sa fourth quarter.
Malaking bahagi ng tagumpay ng Thunder ay salamat sa depensa ni Alex Caruso. Sa kabila ng malaking deficit, gumugol si Caruso ng maraming oras sa Nuggets star na si Nikola Jokic, na madalas nahihirapang maghanap ng mga shot laban sa nangungunang depensa ng Oklahoma City.
Umiskor si Jokic ng 20 puntos sa 5-of-9 shooting, habang nagtapos si Caruso na may game-best plus-40 plus/minus rating.
Ang Thunder ay umiskor ng 37 puntos mula sa 23 turnovers ni Denver, habang 10 beses lang silang nagbigay ng bola.JC