Home NATIONWIDE Malakanyang sa ‘bloodbath’ remark ni VP Sara: We hope it’s just figure...

Malakanyang sa ‘bloodbath’ remark ni VP Sara: We hope it’s just figure of speech

148
0

MANILA, Philippines-  “Medyo may pagka-bayolente ang tugon ng ating Bise Presidente. We hope it’s just a figure of speech…”

Ito ang naging tugon ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang kaugnay sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na nais niya na magkaroon ng ‘bloodbath’ sa kanyang impeachment trial sa Senado.

Sa ulat, sinabi ni VP Sara na bagama’t hindi nila nais na umabot sa paglilitis ang proseso, inihahanda na ng kanyang legal team ang magiging depensa.

“But I told them that I truly want a trial because I want a bloodbath,” ang winika ni VP Sara.

Sa kabilang dako, bilang kasapi ng panel ng mga prosecutor sa impeachment at inaasahang kinatawan ng Mamamayang Liberal (ML) party-list sa 20th Congress, agad na sumagot si De Lima sa social media hinggil sa bagay na ito.

Aniya, hindi maaaring magkaroon ng “bloodbath” dahil ang nakasuhan lamang ang nasa ilalim ng paglilitis.

Dagdag niya, ang impeachment trial ay isang seryosong proseso ng pananagutan sa ilalim ng Konstitusyon, at hindi ito entablado para sa kaguluhan o ka-dramahan.

Binalaan din niya ang kampo ni Duterte na maaaring maharap sa contempt kung sisikaping guluhin ang proceedings.

Hinamon din ni De Lima si Duterte na harapin ang paglilitis nang may paggalang sa proseso, at tiniyak na igagalang ang kanyang karapatan sa ilalim ng batas. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here