Home SPORTS NBA veteran Mitchell Wiggins, pumanaw na, 64

NBA veteran Mitchell Wiggins, pumanaw na, 64

MANILA, Philippines -Pumanaw  na ang beteranong NBA star na si   Mitchell Wiggins sa edad na 64.

Si Wiggins ay ang ama ng NBA champion at Golden State Warriors forward Andrew Wiggins.

Na-draft si Wiggins bilang 23rd overall noong 1983 at pinili ng Indiana pacers. Kinalaunan ay na-trade din siya sa Chicago Bulls.

Makalipas ang  ilang season,  lumipat siya sa Houston Rockets hanggang sa nagkampeon ang naturang koponan sa Western Conference noong 1986. Huli siyang naglaro sa Philadelphia 76ers bago tuluyang nagretiro matapos ang ilang season sa liga.

Nag-aaverage si Wiggins sa kaniyang rookie season ng 12.4 points, 4.0 rebounds, at 2.3 assists.

Nagpa-abot agad ng  pakikiramay ang National Basketball Retired Players Association, Houston Rockets at ilang mga retirado at kasalukuyang NBA player.