Manila, Philippines- Matamis na inalala ni Ronnie Lazaro ang pagiging stage actor nya dati nu’ng manalo siya bilang Best Actor sa ginanap na Sinag Maynila International Film Festival 2024 Gabi ng Parangal sa Metropolitan Theatre (MET) sa Maynila.
Nanalo si Ronnie ng Best Actor para sa pelikulang “The Gospel of the Beast.”
Hinawakan muna ni Ronnie ang sahig ng entablado sa MET bago ang kanyang acceptance speech.
Sa MET stage raw kasi siya nag-perform as an actor sa mga dula ng Bulawagang Gantimpala.
Ngayon ay isa na siyang artista sa pelikula at nanalo pa ng award.
Talumpati ni Ronnie, “Maraming salamat po sa bumubuo ng Sinag Manila. Maraming salamat, Direk Sheron Dayoc dahil… wow!
“Kay Jansen… hindi ko maintindihan. Pero… wow! Ahhh maraming salamat at mabuhay ang mga… mga regional filmmakers. Gawin lang natin ito, gawin lang natin ito.
“Kailangan pa nating ligawan ang ating mga manonood. Kailangan natin silang ligawan. Kailangan malaman nila na may ginagawa tayong magandang mga pelikula ngayon.”
Later on ay nalaman namin ang pagkagulat at pagkalito ni Ronnie nu’ng mahilingan na lumabas ng teatro para mainterbyu.
“I’m very happy. The recognition coming from Sinag Manila (Maynila) and uh, I’m a bit confuse at the same because I won Best Supporting for this in Urian but as a supporting actor.
“When they announced Jansen, which I’m glad, I’m happy for him to win. I guess, that’s it.
“But for Best Actor, wow! Okay.
“Maraming salamat sa, uh, coz’ I don’t want to, I’m not really the type who would want to let my own chair for this kind of stuff that uh, yeah…yeah.
“Maybe the performance is too big for supporting for Sinag Manila’s jury so, they put me in that category. Thank you.”
Ang tinutukoy na “Jansen” ni Ronnie ay ang co-star niya sa “The Gospel of the Beast” na si Jansen Magpusao na nanalo rin bilang Best Supporting Actor sa Sinag-Maynila 2024.
Wala rin daw ideya si Ronnie na nomintaed siya for any category that night. May nag-imbita lang daw sa kanya na um-attend ng Sinag Maynila Gabi ng Parangal.
Nominado rin sa Best Actor sina Tony Labrusca (What You Did), Bryan Wong (Banjo), at L.A. Santos (Maple Leaf Dreams).
Nagpaliwanag naman ang isa sa judges sa full-length category na si Bibeth Orteza kung bakit sa Best Actor category na-nomihate si Ronnie at sa Best Supporting Actor naman si Jansen na parehong nasa “The Gospel of the Beast.”
Simula pa lang daw kasi ng pelikula ay nandoon na si Ronnie. Buo raw kasi ang role ni Ronnie sa “The Gospel of the Beast.” At pinag-usapan daw talaga nila.ang bagay na ito with her co-juries na sina Ramona Diaz at Lav Diaz. Julie Bonifacio