MANILA, Philippines – Masaklap ang naging pagkatalo ng Magnolia Hotshots 84-82 kontra sa TNT Tropang Giga sa umiinit na hostilidad sa 2024 PBA Governor’s Cup.
Bumida sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na mayroong 29 points, 25 rebounds habang mayroong 19 points at limang rebounds si RR Pogoy sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Bagamat panalo, uminit pa rin ang ulo ni TNT coach Chot Reyes dahil sa mababang percentage sa free-throws ang mahinang free-throws ng kanyang koponan dahil sa mayroon lamang 11 free throw matapos ang 21 ng 32 mula sa foul line.
Nabalewala naman ang nagawang 30 points at 17 rebounds ni Magnolia import Shabazz Muhammad .
Samantala, umusad na sa quarterfinals ang Rain or Shine Elasto Painters matapos durugin sa overtime ang NLEX 123-114 sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup games na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Ito na ang pang-anim na panalo ng Elasto Painters sa loob ng walong laro.
Hindi umano akalain ni Rain or Shine coach Yeng Guiao na magwawagi sila dahil sa matinding laro ang ipinakita ng NLEX.
Isa umanong magandang pagsubok ang nasabing laro at natututuna nila kung paano maisara ang laro.
Nanguna sa panalo ng Elasto Painters si Aaron Fuller na mayroong 23 points at 25 rebounds habang si Anton Asistio ay mayroong 25 points.JC