MANILA, Philippines – Inaresto ang unified heavyweight champion na si Oleksandr Usyk sa hindi malamang dahilan sa Krakow Airport sa Poland kahapon.
Agad naman pinalaya si Usyk mula sa kustodiya, ayon sa ulat matapos tumulong ang kanilang embahanda.
Hindi niya sinabi kung ano ang dahilan para siya ay arestuhin at hindi rin malinaw kung ano ang ginawa ni Usyk (22-0, 14 KOs) para maaresto.
Nagbiro pa ang mga tagahanga sa social media na siya ay inaresto dahil sa pambubugbog na ginawa niya kay Tyson Fury noong ika-18 ng Mayo, pinatulog sa ika-siyam na round matapos na tamaan ng 20 sunod-sunod na headshot.
Ang walang talo na si Usyk ay naghahanda para sa kanyang rematch kay dating WBC heavyweight champion Fury sa ika-21 ng Disyembre sa Riyadh, Saudi Arabia.
Maaaring naisip ni Fury na lusot na siya sa laban matapos marinig ang tungkol sa pag-aresto kay Usyk, ngunit ngayon ay tuloy na tuloy na laban kaya hindi siya masyadong masaya sa nangyari.
Ngayong tuloy na ang laban, kailangang gumawa ng paraan si Fury para hindi mabugbog muli dahil hindi masyadong maganda ang pagtatapos ng huling laban para sa kanya.