Home HOME BANNER STORY NBI iimbestigahan ‘Machong Chismisan’ hosts sa pahayag kay Josh Aquino

NBI iimbestigahan ‘Machong Chismisan’ hosts sa pahayag kay Josh Aquino

1
0

MANILA, Philippines — Iniutos ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang imbestigasyon sa mga host ng podcast na “Machong Chismisan” kaugnay ng mga pahayag nila tungkol kay Josh Aquino, anak ni Kris Aquino.

Ayon kay Matibag, inatasan niya ang NBI Cybercrime Division at Special Action Unit na siyasatin ang insidente at tukuyin kung may kaukulang kasong maaaring isampa alinsunod sa batas.

“Today, I am directing our CCD and SAU to investigate and file appropriate charges against those who mocked him, in accordance with the law,” pahayag ni Matibag na ibinahagi ni Boy Abunda sa kanyang programa.

Nag-ugat ang kontrobersiya sa Oktubre 5 episode ng “Machong Chismisan” na pinamagatang “Ang Pagbabalik ni Kris Aquino,” kung saan nagbitaw ang mga host ng mapanirang komento tungkol kay Josh at sa kanyang kapansanan.

Matapos umani ng batikos, tinanggal ang episode at humingi ng paumanhin ang mga host. Naglabas din ng kani-kanilang pahayag ang ilan sa kanila.

Samantala, tinapos na ng The Pod Network ang kontrata nito sa “Machong Chismisan” at inalis ang programa sa kanilang network kasunod ng kontrobersiya.

Wala pang partikular na kasong inanunsiyong isinampa laban sa mga host sa oras ng ulat. Ang utos ng NBI ay para sa imbestigasyon at pagtukoy sa posibleng legal na pananagutan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here