Home NATIONWIDE NBI probe, hirit ng UBJP sa karahasan sa BARMM polls

NBI probe, hirit ng UBJP sa karahasan sa BARMM polls

39
0

MANILA, Philippines — Hiniling ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga insidente ng karahasan na naganap kaugnay ng kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa liham na may petsang Setyembre 15, sinabi ng UBJP na bagama’t naging matagumpay sa pangkalahatan ang halalan, hindi dapat maisantabi ang pagkamatay at pagkasugat ng ilang katao.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), apat ang nasawi at 19 ang nasugatan sa mga election-related incidents. Tatlo sa mga nasawi at 15 sa mga sugatan ay mula sa insidente ng putukan sa Cotabato City na nagsimula umano sa komosyon sa pagitan ng mga tagasuporta ng magkalabang political groups.

Sinabi ng UBJP na ilan sa kanilang supporters ang kabilang sa mga biktima at umaasa silang matutukoy sa imbestigasyon ang buong pangyayari at mapapanagot ang mga responsable.

Nakipagpulong din ang partido kay NBI Director Melvin Matibag at iba pang opisyal ng ahensya upang hilinging maipagpatuloy ang pagsisiyasat kahit tapos na ang eleksyon.

Nauna nang sinabi ng Comelec na naging generally peaceful ang halalan sa malaking bahagi ng BARMM sa kabila ng ilang insidente ng karahasan. Lahat ng nanalong kandidato sa kauna-unahang parliamentary polls ay naiproklama na. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here