Home SPORTS NCAA nakulapulan ng kontrobersiya, referee binugbog

NCAA nakulapulan ng kontrobersiya, referee binugbog

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng malalimang imbestigasyon ang NCAA sa ulat ng umano’y pambubugbog sa isang referee pagkatapos ng laro sa pagitan ng St. Benilde at Mapua sa opening ng Season 100 sa liga noong Sabado sa Mall of Asia Arena.

Tinitingnan ng Management Committee ang naganap na pangyayari ilang minuto matapos ang mahirap na panalo ng Blazers kontra Cardinals.

Tumanggi ang mga opisyal ng liga na pangalanan ang mga personalidad na sangkot hanggang maisagawa nila ang imbestigasyon sa insidente.

“Iniimbestigahan pa,” sabi ng isang executive ng NCAA, na tumangging pangalanan.

Ang tatlong referees na nanguna sa laro ay sina Dominique Pomar, Emmanuel Faraon, at Jerry Borja.

Anuman, ang insidente ay isang malungkot na simula sa isang season na nagdiriwang ng 100 taon ng collegiate league na kilala bilang pinakamatanda kailanman sa bansa.