Home NATIONWIDE NCR, iba pang parte ng Pinas uulanin sa easterlies, ITCZ

NCR, iba pang parte ng Pinas uulanin sa easterlies, ITCZ

265
0

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang mga panaka-nakang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa easterlies at Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa PAGASA nitong Miyerkules.

Ayon sa ahensya, wala pang namamatyagang low pressure area na posibleng maging bagyo sa ngayon.

Inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Gitnang Luzon, CALABARZON, ilang lalawigan sa Cordillera at Cagayan Valley, Oriental Mindoro, at Marinduque dahil sa easterlies. Sa kabilang banda, makararanas din ng parehong kondisyon ang Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao Occidental, Sarangani, Sultan Kudarat, at Tawi-Tawi dulot ng ITCZ.

Maaaring makaranas ng panaka-nakang pag-ulan ang ibang lugar dahil sa localized thunderstorms. Pinag-iingat ang publiko sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa tuwing malalakas ang buhos ng ulan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here