Home METRO NCR trike group umalma na sa liit-kita sa pagdami ng MC taxis

NCR trike group umalma na sa liit-kita sa pagdami ng MC taxis

Palawan, Philippines - September 26, 2018: Empty tricycle motorbike taxi on city street. Motor tricycle are the both cheap common means transportation and symbol of Philippine culture

MANILA, Philippines – Kinalampag ng tricycle group na National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines ( NACTODAP) ang pamahalaan sa patuloy na pagdami ng motorcycle taxi sa bansa laluna sa Metro Manila.

Sa press conference sa Quezon City. sinabi ni Ariel Lim , national President ng Nactodap, dahil sa patuloy na pagdami ng MC Taxi ay nasa P300 na lamang kada araw ang naiiuwing kita ng bawat tricycle driver na sobrang baba sa dating kita na P700 kada araw.

Ayon kay Lim madami nang galit sa kanilang hanay sa nangyayaring pagdami ng MC taxi laluna ang  pagdagdag pa ng LTFRB sa mga MC Taxi company sa Region 3 at Region 4A.

” Nagpapasaklolo na kami kay President Ferdinand Marcos Jr. upang maisaayos ang pagdagsa ng MC Taxi” ayon kay Lim.

Anya dapat munang ihinto ng LTFRB ang pagdaragdag ng MC Taxi sa bansa at konsultahin muna ang ibat ibang stakeholders tulad ng NACTODAP bago mag desisyon na magdagdag pa ng MC taxi sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Atty Jopet Sison, founding Chairman ng QC Tricycle Franchising Board ang pamahalaan na magkaroon ng National Transport Plan upang maging maayos ang sistema sa  usapin ng mga MC taxis sa bansa.

Anya hindi sila tutol na magkaroon ng MC taxis sa bansa dahil malaki din ang tulong nito na mapabilis ang paghahatid sa mga pasahero sa destinasyon nito pero dapat munang iregulate ng LTFRB ang mga MC taxis.

Sinabi pa ng lider ng tricycle group na kung mareregulate at mamomonitor ang mga MC taxis nationwide, walang ibang pampasaherong  sasakyan tulad ng mga tricycle ang maaapektuhan sa kanilang hanapbuhay.

Wala naman planong humingi ang mga TODA ng taas singil pasahe sa mga LGUs dahil ang maaapektuhan lamang nito ang karaniwang manggagawa na may mababa ding sahod.

Sinabi ni Lim na kung hindi mapipigilan ang LTFRB sa pagpapadami ng MC taxis, malamang na lumabas na rin ang maliliit na driver at operator ng pampasaherong  tricycle para kalampagin ang Malakanyang na aksyonan ang kanilang karaingan. (Santi Celario)