Home METRO Nene dinonselya ng binatilyong utol!

Nene dinonselya ng binatilyong utol!

CAUAYAN CITY, Isabela- Nagmamakaawa umano ang nakababatang kapatid na biktima na huwag siyang gahasahin ng kanyang kuyang binatilyo ngunit ipinagpatuloy pa rin ang makamundong pagnanasa hanggang makaraos umano sa isang barangay sa nasabing lungsod.

Sa ipinarating na ulat kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, isang binatilyong kinilalang si alyas PJ na edad 18-anyos ang akusado habang ang kanyang biktima ay ang nakababatang kapatid na si alyas nene na residente rin sa nasabing lugar.

Sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Second Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 20, Cauayan City, Isabela  naaresto ang akusado nang isilbi ng kapulisan ang warrant.

Napag-alaman na unang nangyari ang nasabing pagsasamantala ng akusado sa biktima taong 2017 at paulit-ulit pa itong nasundan noong taong 2022 at 2023.

Ang akusado ay itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa boung Region 2.

Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco