Home METRO Nene patay sa plastic twine!

Nene patay sa plastic twine!

MANILA, Philippines- Wala nang buhay nang matagpuan ang pitong taong gulang na babae sa Canlaon City, Negros Oriental dahil sa umano’y aksidenteng pagkakabigti sa sarili ng plastic twine habang naglalaro.

Base sa ulat nitong Linggo,  nagpaalam ang bata sa kanyang ina na maglalaro siya sa labas.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, may inapakan umano ang bata upang makataas ito at maisuot ang ulo sa plastic twine na nakatali sa labas ng bahay nila, subalit maaari umanong nadulas ito.

Kalaunan ay natagpuan siyang patay ng kanyang lola.

Natukoy itong aksidente subalit patuloy pa rin ang imbestigasyon. RNT/SA