Home ENTERTAINMENT Neri Naig abswelto sa syndicated estafa

Neri Naig abswelto sa syndicated estafa

MANILA, Philippines- Ibinasura ng Pasay RTC ang kasong syndicated estafa laban sa aktres at negosyanteng si Neri Naig-Miranda.

Sinabi ng korte na walang sapat na basehan upang mapanagot si Naig sa kasong syndicated estafa.

Nagpasalamat naman ang legal counsel ni Naig na si Aureli Sinsuat sa pag-abswelto kay Naig. Malinaw aniya na mali umano ang mga naging akusasyon laban sa aktress.

Una rito, inireklamo si Naig na nag-eengganyo umano ng mga investor para sa skincare clinic kahit hindi ito awtorisado na mag-solicit ng investments.

Sinabi rin ng asawa ni Naig na si Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda na isa lamang endorser ang kanyang misis.

Sinabi noon ng Securities and Exchange Commission na ang Dermacare-Beyond Skin Care Solutions ng COO nito na si Chanda Atienza at company admin at finance manager Venus Eunice Gonda ay nag-aalok ng “franchise partner agreements” sa pangako ng guaranteed returns na katumbas ng 12.6 percent interest kada quarter sa period na limang taon.

Iginiit ng SEC na hindi awtorisado ang naturang kompanya na mag-solicit ng investments sa publiko dahil wala itong registration at license to sell securities. Teresa Tavares