Home ENTERTAINMENT Neri, tumutulong sa mga negosyante sa krisis!

Neri, tumutulong sa mga negosyante sa krisis!

99
0

Manila, Philippines – Importante sa panahon ngayon ang makaramdam ng tinatawag na “empathy.”

It is where a person puts himself in the shoes of others, is able to relate to others and offers a helping hand.

Sa aspetong ito maipagkakapuri si Neri Naig.

Bukod sa pagiging wais na misis ni Chito Miranda, may malasakit din si Neri sa mga kapwa niya negosyante during these critical times.

Nag-aalok kasi ngayon si Neri ng libreng promotion para sa mas ikalalawak ng market ng mga produkto ng mga ito.

Neri shared her initiative on Instagram, kung saan nag-pledge siya ng tulong.

Simple lang ang gagawin ng mga interesadong negosyante—mangyaring ipadala ng mga ito ang kanilang produkto at PR kits sa kanilang family resthouse sa Cavite.

Nais din ni Neri na mamahagi ng mga produkto sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Target ni Neri ang mga benepisyaryo tulad ng mga garbage collector, bumbero, volunteers, senior citizens, mag-aaral, o kahit na sino.

“Yun po ay para mas marami tayong matulungan na kababayan natin,” saad ni Neri.

Obyus na ramdam ni Neri ang hirap ng buhay lalo’t hindi mapigilan ang epekto ng nangyayari sa Gitnang Silangan.

Bravo! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here