Manila, Philippines- Dismayado ang netizen/viewers sa ending ng Kapuso drama-series na “Widow’s War.”
Mababasa ang kanilang disappointment sa X (dating Twitter) na pag-aari ng billion-dollar businessman na si Elon Musk.
Narito ang ilan sa karamihang posts ng avid followers ng WW.
“Why are people upset sa Widows’ War finale? Ksi its a good show and sa last ep pa talaga sumablay. Pero infer, PINAGUSAPAN ng bongggang bongga.”
“Sinira ang sinimulan nilang mahusay. O kahit pumantay man lang sa buong takbo ng Widow’s Web at Royal Blood!”
“Ang pangit huhu.”
Bwisit din ang viewers ng WW at fans nig bida sa serye na si Bea Alonzo.
“Maganda ang widows war nun una kaso pumanget lalo na nung ending, hello bea alonzo yan, tapos chuchugiin lang sa huli. Ito ang pinakapanget na ending na namgyari sa career ni bea sa lahat ng teleserye niya sayang pasabog nun pilot ep,sa ending palpak anyare sayang talaga.”
“I’m so sorry Bea Alonzo you did not sign up for this kind of treatment, grabe yung green screen death scene plus the downgrade!!!”
“Didn’t expect that ending of Widows’ War. Felt bad for Bea Alonzo’s character’s death scene. Green screen! Lols. Sayang naman! I thought that’s her best GMA series.”
Pati sa direktor at writer ng WW may kuda rin ang netizens.
“I know, even sir TJ Nuevas is unsatisfied. This is one of the best shows of Bea Alonzo. Sobrang sayang lang but still I love you, Widow’s War(Season 1 only) HAHAHAHA.”
“Pinagod kasi nila si Direk Zig Dulay. Ibigay ba naman sa isang direktor na pang anthology.”
Si Direk Zig Dulay ang direktor ng WW na iniwan ang teleserye para i-shoot ang “Green Bones” na isinali sa last Metro Manila Film Festival. Julie Bonifacio