Home ENTERTAINMENT Netizens pinakialaman ang botox ni Jinkee!

Netizens pinakialaman ang botox ni Jinkee!

Manila, Philippines – “Is that Jinkee Pacquiao? OMG! Is that how she looks now?”

Ganito ang mga gulat na reaksyon ng mga nakakatisod kay Jinkee even on her Facebook page.

In particular, marami ang naninibago sa hitsura ngayon ng maybahay ng Pambansang Kamao.

Isang netizen nga ang nag-post na: “Botox pa more!”

Still another netizen assumed na mukhang higit pa sa botox ang ginawang enhancement sa mukha ni Jinkee.

Naging OA na raw kasi ang ginawang “pagpaparetoke” nito sa kanyang mukha.

Kung dati-rati’y makikilala mo pa si Jinkee, ngayon daw ay malayung-malayo na ang kanyang itsura sa kambal na si Janet Jamora.

Kesyo “tumandang Mommy Dionesia” raw ang dating niya.

May mga nag-suggest ding Jinkee should just put on light makeup.

Sinisisi rin ng mga ito ang mga pinagdaanan nitong “ekspèrimento” sa mukha, pati tuloy ang walang malay na si Dra. Vicky Belo ay nadamay.

Pero tila na-realize mismo ni Jinkee na may point ang ilang netizens.

Of late kasi on FB ay tinanggal na niya ang kanyang bangs which make her look old.

Pero mas nakaagaw-pansin ang mga nakapaligid na bodyguards sa kanya while jogging.

Taken in General Santos City, mas nakakuha ng atensyon ang apat na bodyguards ni Jinkee around her.

Kunsabagay, her four bodyguards’ presence ay upang tiyaking ligtas siya, in short, for security reasons.

Sa estado nga naman ni Jinkee–at lalo na sa panahon ngayon–dapat lang maging mas maingat siya laban sa mga taong may masamang hangarin. Ronnie Carrasco III

Previous article5 budol-budol nasakote sa QC
Next articleConsumer group nababahala sa $3.3B LNG deal sa Pinas