Home ENTERTAINMENT Netizens, umalma sa kumakalat na video clips ng HLA!

Netizens, umalma sa kumakalat na video clips ng HLA!

Manila, Philippines – May ilang vloggers na nagpapakalat ng video clips na kuha mula sa pelikulang Hello, Love, Again, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Kaya galit na galit sa kanila ang mga faney ng KathDen.

Umalma nga ang mga KathDen supporters na hindi pa nakakapanood ng part 2 ng blockbuster hit na Hello, Love, Goodbye, dahil nga sa naglalabasang spoilers.

Noong Wednesday, November 13, nagsimulang mag-showing ang reunion movie nina Alden at Kathryn.

Kasunod nga nito, ang pagpo-post ng mga pasaway na vloggers ng mga litrato at video clips na kuha habang nanonood sila sa loob ng sinehan, na parang walang pakialam sa umiiral na mga batas pagdating sa panonood sa mga cinema.

Tinalakan ng mga netizens ang mga vloggers at sinabihang isang malinaw na paglabag sa batas ang kanilang ginagawa na maituturing na ring pamimirata.

Sabi ng isang faney ng KathDen, “Napakawalanghiya ng mga iresponsableng vloggers na yan. Talagang post kung post sila ng mga eksena sa HLA, pati yung mga plot twist! Ang kakapal ng mukha!”

May ilan naman ang nanawagan sa Star Cinema at GMA Pictures na aksiyunan agad ang isyu dahil hindi imposibleng mapirata rin ang buong pelikula at libre nang mapanood sa Facebook tulad ng nangyari sa Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

May isa namang nag-post ng kaukulang batas na nagbabawal at nagpaparusa sa mga taong kumukuha at nagbi-video ng pelikula sa sinehan.

Batay sa Republic Act No. 10088 o “Anti-Camcording Act of 2010,” mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng video at larawan ng pelikula habang nanonood sa loob ng sinehan. Rommel Placente