Higit P600K tobats nasabat sa Rizal
RIZAL, Philippines - Nasamsam ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱680,000 sa isang anti-illegal drug operation sa Angono nitong Abril 21, 2026. Isinagawa ang buy-bust operation bandang 6:45 ng umaga sa Barangay San Isidro ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Rizal Provincial Office at Philippine National Police Regional Intelligence Unit...
‘Fixers’ nag-aalok ng serbisyo sa travel clearance, ibinabala ng DSWD
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng programa nitong Minors Travelling Abroad (MTA), laban sa mga hindi awtorisadong Facebook page at grupo na nag-aalok ng serbisyo para pabilisin ang pagproseso ng travel clearances. Sa isang advisory na inilathala noong Lunes (Abril 20), nilinaw ng DSWD MTA na ang mga Facebook page tulad...
Fuel price adjustment ng DOE, suportado sa Senado: ‘Basta makatarungan’
MANILA, Philippines - Sinuportahan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes ang hakbang ng Department of Energy (DOE) na magtakda ng fuel price adjustments, basta’t nananatiling makatarungan ang mga ito. Ani Lacson, ang ganitong interbensyon — na pinahihintulutan ng kapangyarihan ng DOE na magtakda ng limitasyon sa price adjustments sa ilalim ng state of national energy...
Senado posibleng mag-convene bilang impeachment court sa Mayo 4 — Sotto
MANILA, Philippines - Posibleng mag-convene ang Senado bilang impeachment court sa Mayo 4 kung maipapasa na ng House of Representatives ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate President Vicente Sotto III. “Technically, we may convene by May 4—that’s when we should resume. That’s just two weeks away,” ani Sotto. Dagdag niya, “By May 4, if...
Galvez nagretiro bilang Presidential adviser
MANILA, Philippines - Opisyal na inanunsyo ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito G. Galvez, Jr. ang kanyang pagreretiro sa puwesto, epektibo ngayong araw ng Lunes, Abril 21, 2026. Sinabi ni Galvez sa isang kalatas, na handa na siyang bumaba mula sa public office matapos ang 46 na taon ng tuloy-tuloy na serbisyo sa bayan. "This decision is...
Ilang abogado nagsumite ng petisyon sa SC laban sa impeachment hearing ng Kamara kay VP Sara
MANILA, Philippines - Nagsampa ang ilang mga abogado ng petisyon sa Korte Suprema laban sa mga hakbang ng Kamara kaugnay ng ikatlo at ikaapat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte. Kabilang sa mga petitioners sina Atty. Hue Jyro Go, Micah Lorelle De Guzman, at Jake Leoncini, habang ang mga respondent ay ang House of Representatives at ang...
Flood control projects sa Bulacan na iniuugnay kay Bong Revilla, utos ni Cabral
MANILA, Philippines - Isiniwalat sa Sandiganbayan na ang P92.8-milyong flood control project sa Pandi, Bulacan ay isinama sa 2025 General Appropriations Act bilang proyektong iniuugnay kay dating Senador Ramon Bong Revilla Jr.. Ayon kay Engr. Peter Cortez ng DPWH Central Office, ang proyekto ay bahagi ng “errata” na isinumite ng Department of Public Works and Highways sa House of Representatives...
Romualdez ‘di pinagbabawalan na lumabas ng bansa – Atty. Fajardo
MANILA, Philippines - Tanging look out order at hindi hold departure order ang inilabas para kay dating House Speaker at Leyte Rep Martin Romualdez kaya hindi ito pinagbabawalang lumabas ng bansa, ayon sa kanyang abogado na si Atty Ade Fajardo. Ayon kay Fajardo, ang dapat lamang gawin ng kanyang kliyente ay ipaalam ang kanyang paglabas ng bansa at ang mga...
ACT, umalma sa DepEd sa kawalan ng konsultasyon sa 3-term school calendar
MANILA, Philippines - Isang lider ng Alliance of Concerned Teachers ang umalma sa Department of Education dahil umano sa hindi pagkonsulta sa kanila kaugnay ng planong paglipat mula quarterly patungong trimestral school calendar. Sa pagdinig ng House committee on basic education na pinangunahan ni Pasig Rep. Roman Romulo, tinanong kung kinonsulta ng DepEd ang mga stakeholders sa planong ipatutupad sa...
Leni Robredo, ‘di na tatakbo sa national post sa 2028
MANILA, Philippines - Sinabi ni Naga City Mayor Leni Robredo na hindi na siya tatakbo sa anumang national position sa 2028 elections. Ayon sa dating bise presidente, mas nais niyang ipagpatuloy ang serbisyo sa kanyang bayan dahil marami pa siyang kailangang tapusin sa Naga City. “Sigurado na ako sa sarili ko na hindi na ko ma-national,” ani Robredo. Ipinaliwanag niya na bagama’t...












