Bukidnon target maging “Arabica Capital” ng Pilipinas
BUKIDNON, Philippines - Patuloy na palalakasin ng lalawigan ng Bukidnon ang industriya ng kape sa 2026, na itinuturing na pangunahing pinanggagalingan ng kabuhayan, na may layuning maging Arabica capital ng Pilipinas. Sa ilalim ng isang 10-taong plano, target ng lalawigan na palawakin ang taniman ng Arabica coffee sa mahigit 10,000 ektarya pagsapit ng 2035. Ayon kay Governor Rogelio Neil Roque, mahalagang...
PH Navy handang tumulong sa pagbabantay sa karagatan
MANILA, Philippines - Sinabi ng Philippine Navy (PN) na handa itong tumulong sa mga maritime law enforcement agencies sa pagbabantay, pagharang, at pag-aresto ng mga barko o sasakyang-dagat na ilegal na nag-ooperate sa karagatan ng bansa, kapag hiniling o inatasan. Ayon kay PN spokesperson Capt. Marissa Martinez, bukod sa regular na naval patrols, sinusuportahan din ng Navy ang maritime security...
109 pulis pumasa sa 2025 Bar Exams — PNP
MANILA, Philippines - Kabuuang 109 pulis ang pumasa sa 2025 Bar Examinations, ayon sa resulta na inilabas noong nakaraang linggo. Ayon kay PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., isang karangalan ito para sa buong organisasyon ng pulisya. “This is a proud moment for the entire PNP,” ani Nartatez sa isang pahayag noong Lunes. Dagdag niya, hindi madaling makapasa sa...
Higit 500 sundalo, nakahanda sa pag-aalboroto ng Mayon
ALBAY, Philippines - Tiniyak ng 9th Infantry Division (9ID) ang patuloy na tulong sa publiko at mga lokal na pamahalaan habang nagpapatuloy ang pag-aalboroto ng Bulkang Mayon. Sa isang press briefing noong Lunes, sinabi ni Brig. Gen. Ariel Reyes, assistant commander ng 9ID at pinuno ng Task Force Sagip, na mahigit 500 sundalo ang naka-deploy upang magbigay ng Humanitarian Assistance...
Lisensya ni ex-DPWH Engr. Alcantara, binawi ng PRC
MANILA, Philippines - Binawi ng Professional Regulatory Commission (PRC) ang professional license ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineer na si Henry Alcantara dahil sa pagkakasangkot niya sa isyu ng katiwalian sa flood control projects sa Bulacan 1st District. Ayon sa Professional Regulatory Board of Civil Engineering (PRB-CE), napatunayang “guilty of gross unprofessional and unethical conduct” si...
Walang Pilipinong apektado sa protesta sa Iran — DFA
MANILA, Philippines - Iniulat ng Philippine Embassy sa Tehran na wala pang Pilipinong naapektuhan sa patuloy na madugong protesta sa Iran. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), may humigit-kumulang 823 Pilipino sa Iran, at karamihan sa kanila ay permanent residents na asawa o anak ng mga Iranian nationals. “As of this writing, there have been no reports of any Filipino...
Walang nanalo sa major lotto jackpot ng Lunes, Enero 12, 2026
MANILA, Philippines - Walang nanalo ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 noong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang winning combination ng Grand Lotto 6/55 ay 47-43-36-09-07-11, na may jackpot na P29.7 milyon, ngunit walang nakatama sa lahat ng anim na numero. Samantala, ang Mega Lotto 6/45 ay may winning numbers na 09-05-11-21-06-02 at...
Mga residente sa paligid ng Mayon, nakaalerto sa posibleng Alert Level 4
ALBAY, Philippines - Nakaalerto ang mga residente sa loob ng 7 hanggang 8 kilometrong extended danger zone ng Bulkang Mayon sakaling itaas ng PHIVOLCS ang alert status nito sa Alert Level 4. Naglagay na ng checkpoint sa Sto. Domingo, Albay upang agad na maabisuhan ang mga residente kung ipatutupad na ang Alert Level 4, na nangangahulugang maaaring sumabog anumang oras...
Luzon uulanin sa 3 weather systems
MANILA, Philippines - Tatlong weather systems ang magdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ngayong Martes, ayon sa PAGASA. Ayon sa ahensya, magdadala ang shear line ng maulap na panahon at ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon. Ang easterlies naman ang magpapaulan sa Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes. Samantala, ang natitirang bahagi ng Cagayan...
Kanlaon, nagbuga muli ng abo; mga residente pinag-iingat
NEGROS OCCIDENTAL, Philippines - Pinayuhan ng Negros Occidental disaster office ang mga residente malapit sa Bulkang Kanlaon na manatiling alerto dahil sa posibleng ashfall matapos itong magbuga ng abo dalawang beses noong Lunes ng umaga. Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, naitala ang ash emission bandang 10:09 a.m. at 11:31 a.m. na tumutok sa timog-kanluran. Nauna rito, tatlong...












