Shear line magpapa-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas
MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Southern Luzon at Visayas sa unang Lunes ng 2026 dahil sa shear line, ayon sa Pagasa. Posibleng umabot sa 50 hanggang 100 millimeters ang ulan sa Bicol Region, partikular sa Albay, Sorsogon, Masbate, Catanduanes, at Camarines Sur. “This is because we can see that tomorrow it is possible for the shear...
DESISYON NG SC SA PHILHEALTH FUND TRANSFER ‘DI NA IAAPELA NG OSG
IPINAAALAM ng Office of the Solicitor General (OSG) na hindi na maghahain ng apela sa inilabas na desisyon ng Supreme Court (SC) na nagdeklara bilang labag sa Konstitusyon ang paglilipat ng Php60 billion “excess funds” ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) patungo sa National Treasury noong 2024.Matatandaan na kabuuang Php89.9 bilyon ang nakatakda sanang ilipat pero nasaklaw ng temporary...
Walang nanalo sa major lotto jackpots ng Linggo, Enero 4
MANILA, Philippines - Walang nanalo ng alinman sa major lotto jackpot prize na maaaring mapanalunan noong Linggo, Enero 4, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Walang nakakuha ng panalong kombinasyon sa Ultra Lotto 6/58 na 19-50-20-51-37-52. Ang jackpot prize ay umabot na sa ₱202.6 million. Wala ding nanalo sa Super Lotto 6/49 na may winning combination na 35-19-13-39-23-24, at may...
#WalangPasok: Suspendidong klase ng Lunes, Enero 5
MANILA, Philippines - Ilang local government units ang nag suspinde ng klase ngayong Lunes, Enero 5, 2026 dahil sa pag-ulan na dala ng shear line na nakaa-apekto sa ilang bahagi ng bansa.Suspendido ang klase sa mga sumusunod na lugar: ALL LEVELS (public, private)--Caibiran, Biliran--Caramoan, Camarines Sur (face-to-face classes suspension, shift to modular learning; effective until lifted)--Catbalogan, Samar (face-to-face classes suspension,...
Suspek sa pagpatay, nasukol sa hotel sa Ecija
CAMP OLIVAS, PAMPANGA – Nasukol at naaresto ng mga awtoridad sa loob ng isang hotel sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang suspek sa isang shooting incident na nangyari sa kahabaan ng Cagayan Valley Road, Barangay Tabang, Plaridel, Bulacan, matapos ang 24 oras na swift police response. Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., Sa...
Bahay, mga sasakyan tinupok ng apoy sa Gapo
OLONGAPO CITY – Inulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na umabot sa 1st Alarm ang sunog na tumupok sa isang residential house at ilang sasakyan at ari-arian na naganap nitong Linggo ng madaling araw (Enero 4, 2026) sa Adelfa 2, Barangay Sta. Rita. Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog dakong alas-4:55 ng madaling araw at idineklarang fire under control...
PCG: 23 katao, nailigtas sa tumaob na bangka
MANILA, Philippines - Nagsagawa ng rescue operation ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa isang distressed recreational boat (RBCA) Harlyn sa mga katubigan ng Sombrero Island, San Pascual, Masbate noong Enero 3, 2026. Bandang 11:15 ng umaga, nakatanggap ang PCG ng ulat na ang RBCA Harlyn ay may butas sa hull nito at nagsimulang pasukin ng tubig habang patungo sa...
P33-B farm-to-market roads, ipinatitigil muna ni Pangilinan
MANILA, Philippines - Mahigpit ang reserbasyon ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa implementasyon ng P33 bilyong halaga ng farm-to-market roads (FMR) ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kahit pumabor siya sa panukalang General Appropriations Bill para sa 2026. Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reforms, na lubhang mapanganib sa anti-corruption...
200 health responders, ipakakalat ng DOH sa Traslacion
MANILA, Philippines — Magde-deploy ang Department of Health (DOH) ng humigit-kumulang 200 health emergency responders para sa Traslacion ng Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9. “At the event itself during the feast on Friday, we will have 200 health emergency response team members of the DOH deployed,” pahayag ni DOH spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo sa isang...
40 naputukan sa Kyusi
QUEZON CITY – Naitala ng pamahalaang Quezon City ang 40 kaso ng naputukan ng paputok mula Disyembre 21, 2025 hanggang Enero 2, 2026, 62% na mas mababa kumpara sa 107 na naitalang kaso noong nakaraang taon. Sa 40 kaso, 29 ang naaksidente habang hindi direktang humawak ng paputok, at 11 ang direktang gumamit nito. Dalawampu’t pito ang nangyari sa kalsada,...












