3 mangingisda nasagip ng US naval ship sa Pangasinan
ZAMBALES, Philippines - Dumating sa Subic Bay Freeport noong Biyernes, Enero 2, ang United States Naval Ship (USNS) Cesar Chavez na may sakay na tatlong mangingisdang Pilipino na nasagip sa karagatan ng Pangasinan. Kinilala ang mga mangingisda na sina Michael Lebios, 52; Michael John Lebios, 29; at Lotjun Lupague, 32, pawang mga residente ng Barangay Cato, Infanta. Ayon sa Subic Bay...
Sunog tumupok sa bahagi ng mall sa Davao
DAVAO, Philippines - Isang apat na oras na sunog ang tumupok sa ikatlong palapag ng Gaisano Grand Citygate Mall sa Buhangin District, Davao City noong Biyernes ng hapon, dahilan upang lumikas ang mga empleyado at mamimili. Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), nagsimula ang sunog bandang 3:15 p.m. at umabot sa ikatlong alarma makalipas ang isang oras. Gumamit ang mga...
Anti-Political Dynasty Bill, tatalupan ng Kamara sa Enero 27
MANILA, Philippines - Uunahing talakayin ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang mga panukalang batas laban sa political dynasties sa pagdinig nito sa Enero 27, ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, chair ng komite at deputy majority leader ng Kamara. Ito ay kasunod ng matinding panawagan mula sa loob at labas ng Kongreso na talakayin...
3 weather systems patuloy magpapaulan sa Pinas
MANILA, Philippines - Patuloy na makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa ang shear line, northeast monsoon (amihan), at easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado. Sa 4 a.m. advisory ng PAGASA, sinabi nitong maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, at Palawan dahil...
Paglipat ng P43-B benepisyo ng kawani sa unprogrammed funds kinondena ni Tinio
MANILA, Philippines - Mariing kinondena ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang umano’y paglipat ng mahigit P43 bilyon na benepisyo ng mga kawani ng gobyerno mula sa tiyak na pondo patungo sa unprogrammed appropriations (UA) sa ilalim ng 2026 national budget. Ayon kay Tinio, batay sa ratipikadong ulat ng 2026 General Appropriations Bill (GAB), inilipat ang P10.77 bilyon para...
Pagsugod sa ospital kay Ombudsman Remulla, fake news!
MANILA, Philippines - Mariing itinanggi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong Biyernes ang kumakalat na balitang siya ay naospital o “rushed” sa ospital. “Fake news,” maikling sagot ni Remulla tungkol sa umano’y kanyang pagkaospital. Nauna ring itinanggi ng Office of the Ombudsman ang usap-usapan. Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, “fake news” rin ang balita at sinabing, “He had a hearty sinigang...
P2-M Christmas bonus sa Kamara pinabulaanan ni Ridon
MANILA, Philippines - Muling kinuwestiyon ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang umano’y maling pahayag ni Batangas 1st district Rep. Leandro Legarda Leviste, partikular ang claim na may P2-milyong Christmas bonus ang mga miyembro ng House of Representatives. "Hinahanap ko ‘yung bonus. Unang-una sa lahat, meron talagang pattern ng kasinungalingan, falsities, inaccuracies si Congressman Leviste at isa na naman...
Isa nag-uwi ng P14.4M sa Megalotto 6/45
MANILA, Philippines - Isang bettor ang nanalo ng P14,435,567.00 jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw noong Biyernes, Enero 2, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon sa PCSO, ang nanalong kombinasyon sa Megalotto 6/45 ay 44-21-19-10-18-11. Samantala, walang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 jackpot na nagkakahalaga ng P202,600,000.00, na may kombinasyong 44-56-17-24-30-53. RNT/MND
6-anyos sugatan sa pagpapaputok ng boga
NEGROS ORIENTAL - Isang 6-anyos na lalaki ang nasugatan sa kamay matapos subukang paputukin ang isang boga sa Tanjay, Negros Oriental. Ayon sa ulat, ilang ulit umanong sinubukan ng bata na paputukin ang boga na pag-aari ng kaniyang tiyuhin, ngunit nabigo hanggang sa biglang magliyab ang dulo nito at tamaan ang kaniyang mga kamay. Nagamot na ang bata sa isang klinika...
PNP, todo-alerto na sa pagbabalik ng milyong biyahero matapos holidays
MANILA, Philippines - Nananatiling naka-alerto ang Philippine National Police (PNP) habang milyon-milyong Filipino ang inaasahang babalik sa Metro Manila at iba pang lungsod matapos ang Pasko at Bagong Taon. Ayon kay PNP acting chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakatalaga ang mga pulis sa bus terminals, highways, at iba pang transport hubs upang tiyakin ang kaligtasan ng mga...












