Sandiganbayan nanindigan sa pagtanggi sa mosyon ni Jinggoy na ibasura graft case
MANILA, Philippines - Nanindigan ang Sandiganbayan Second Division sa desisyon nitong tanggihan ang mosyon ni Senador Jinggoy Estrada noong Hunyo na ibasura ang graft case laban sa kanya kaugnay sa umano'y mga kickback mula sa flood control projects ng pamahalaan. Sa anim na pahinang resolusyon, sinabi ng anti-graft court na ang motion for reconsideration ni Estrada ay mga paulit-ulit nang...
US sa Iran: Hormuz ideklarang bukas, tigilan mga pag-atake sa mga barko
UNITED STATES - Iginiit ng Estados Unidos sa Iran na maglabas ng pampublikong pahayag na bukas ang Strait of Hormuz at titigil na ang mga pag-atake sa mga barkong dumaraan sa mahalagang rutang pandagat, ayon sa matataas na opisyal ng US. Sinabi ng mga opisyal na nahihirapan ang Washington na makabuo at mapanatili ang kasunduan sa Tehran dahil sa umano’y...
Petisyon vs Escudero, Comelec sa campaign donations ibinasura ng SC
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Korte Suprema (SC) ang petisyong inihain laban kay Sen. Francis Escudero at sa Political Finance and Affairs Department (PFAD) ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng mga donasyon sa kampanya na natanggap niya para sa kanyang pagtakbo bilang senador noong 2022. Ibinahagi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia ang abiso ng resolusyon. Natanggap ito ng...
17 patay sa Bagyong Inday, Habagat – OCD
MANILA, Philippines - Umakyat sa 17 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Inday at enhanced Habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Sabado, Hulyo 11. "Meron tayong 17 reported dead individuals. Marami diyan galing sa Malapatan, Sarangani. Merong lima from Lanao del Sur sa BARMM, at dalawa 'yung sa Bukidnon," pahayag ni OCD...
Online bullying sa impeachment prosecutors kinondena ni Garin
MANILA, Philippines - Kinondena ni House Deputy Speaker Janette Garin nitong Biyernes, Hulyo 10, ang mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte sa pambu-bully sa mga House prosecutor. Ani Garin, dapat na tutukan ng publiko ang mga ebidensya sa halip na mga personal na pag-atake. Kumalat kasi sa social media ang mga post at memes target si lead prosecutor Rep. Gerville...
Impeachment trial gustong ipahinto ni VP Sara, walang masasagot sa mga alegasyon – solons
MANILA, Philippines - Nais ni Vice President Sara Duterte na mapahinto ang impeachment trial dahil wala itong maidedepensa laban sa mga alegasyon ng prosekusyon, sinabi ng mga lider ng Kamara nitong Biyernes, Hulyo 10. Ito ang naging tugon nina House Deputy Speaker Janette Garin ng Iloilo, prosecutors Joel Chua ng Manila at Terry Ridon ng Bicol Saro party-list sa pahayag...
Chua kay VP Sara: Mga tao naghihintay sa paliwanag tungkol kay Mary Grace Piattos
MANILA, Philippines - Nagpaalala si Manila Rep. Joel Chua kay Vice President Sara Duterte na naghihintay ang mga tao sa araw na mailalantad na niya ang tunay na katauhan ni Mary Grace Piattos. Sa press briefing nitong Biyernes, Hulyo 10, tinanong si Chua tungkol sa pahayag ni Duterte na hinihimok ang mga opisyal ng pamahalaan na iwasan ang pamumulitika at...
PBBM: Arbitral award patungkol sa tao, ‘di lang batas
MANILA, Philippines - Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng legal victory ng Pilipinas sa China para sa West Philippine Sea, at sinabing ang landmark arbitral ruling ay para sa pagprotekta sa buhay at kabuhayan ng mga Filipino. Sa pagsasalita sa diplomatic reception para sa 10th anniversary ng 2016 arbitral award sa Pasay City, sinabi ni Marcos na...
#WalangPasok ngayong Sabado, Hulyo 11, 2026 sa Habagat, Bagyong Inday
MANILA, Philippines - Sinuspinde ang pasok sa ilang mga paaralan sa bansa dahil pa rin sa epekto ng Bagyong Inday at Habagat. #WalangPasok ngayong Sabado, Hulyo 11, 2026 sa mga sumusunod na lugar: Metro Manila Caloocan City: all levels, public at private schools (face-to-face classes; shift to asynchronous classes) Valenzuela City: all levels, public at private City of Manila: all levels, public at private...
Marcoleta pinayagan ng CIDG mabisita nina VP Sara, Padilla
MANILA, Philippines - Pinayagan si Senador Rodante Marcoleta na magkaroon ng dalawang bisita sa Philippine National Police General Hospital (PNPGH) batay na rin sa hiling nito, sinabi ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Biyernes, Hulyo 10. Ayon kay Col. John Guiagui, CIDG Metro Manila unit director, si Marcoleta, na nananatiling naka-confine sa PNPGH mula nang...












