Pinakamalaking estero clean-up drive, inilunsad ng gobyerno kontra baha

0

MANILA, Philippines - Upang mabawasan ang pagbaha sa mga komunidad at pangunahing lansangan sa Metro Manila, pinakilos ng pamahalaan ang pinakamalaking puwersa ng 10,000 TUPAD workers para isagawa ang Expanded Bayanihan sa Estero Program simula Hulyo 1, 2026. Ang mas pinaigting na operasyon ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang mga hakbang upang maprotektahan...

Batas vs nihilistic violent extremism ikakasa ni Gatchalian

0

MANILA, Philippines - Sa gitnang pagdiriwang ng National Schools Safety Month, isinusulong ni Senate President Win Gatchalian ang pagpasa ng isang partikular na batas upang tugunan ang nihilistic violent extremism (NVE) na iniuugnay sa lumalalang karahasan ngayon sa mga paaralan sa buong bansa. Ginagamit ng mga nasa likod ng NVE ang social media at gaming apps upang targetin ang mga...

Mag-amang mangingisda, tiklo sa dynamite fishing

0

BATAAN, Philippines - Kalaboso ang mag-amang mangingisda matapos umanong maaktuhang gumagamit ng dinamita/pampasabog sa iligal na pangingisda sa karagatan sakop ng Sitio Looc, Barangay Banawang, Bagac. Kinilala ang mag-amang suspel na sina alyas "Mang Ben" at anak nitong si alyas "Jay", kapwa mga residente sa naturang lugar. Sa ulat, naaktuhan ng magkasanib puwersa ng Pulisya at Bantay Dagat na nagpapatrulya sa...

Pedicab driver, kulong sa kasong murder

0

MANILA, Philippines - Sa kulungan ang bagsak ng isang pedicab driver na akusado sa kasong Murder nang masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Navotas City. Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela ang manhunt operation laban sa 28-anyos na akusado na kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Navotas City Police...

Gumandang ugnayang ng Pinas, Canada, ipinagmalaki ni PBBM

0

MANLA, Philippines - Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas gumandang ugnayan ng Pilipinas at Canada at ang USD2.5 billion na investment commitments sa kanyang naging four-day official visit sa Canada. Tinukoy ng Pangulo ang kanyang mga nakuha sa kanyang produktibong byahe. Ang pagsisimula ng bagong chapter sa relasyon ng dalawang bansa ay pagbibigay -diin sa pagsisimula ng kanilang...

Lacson: Alex Eala, ‘detoxifier,’ tagapagbuklod na kailangan ng bansa

0

MANILA, Philippines - Sa bisperas ng pagsisimula ng mapaghating impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio, nakatikim ang bansa ng kinakailangang inspirasyon at pagkakaisa dahil sa tennis sensation na si Alex Eala, ayon kay Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson nitong Linggo. Pinasalamatan ni Lacson si Eala sa pagpapataas ng diwang Pilipino matapos itong gumawa ng kasaysayan bilang unang Pilipinong manlalaro...

Parusa ng Tsina kay Teodoro, di nakatutulong- PBBM

0

MANILA, Philippines - Hindi nakatutulong ang parusang ipinataw ng Tsina laban kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. “The declaration of Beijing as Secretary Teodoro as a persona non grata (unwelcome), it’s very unhelpful in my view because it achieves very little,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang panayam. “It’s not just helpful. It’s China’s prerogative to do what they...

Pagpapabakuna para sa Measles-Rubella, ipinanawagan ng DOH sa mga magulang

0

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Department of Health - Ilocos  sa mga magulang na labanan ang maling impormasyon at ipa-bakuna ang mga batang edad 6 buwan hanggang 59 buwan sa gaganaping Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) mula Agosto 10–28, 2026. Layunin ng kampanya na mapataas ang bakunahan, maiwasan ang outbreak, at mabigyan ng proteksyon ang mga bata laban sa tigdas...

Panukalang mas babaan edad ng criminal liability, nangangailangan ng masusing pag-aaral – PBBM

0

MANILA, Philippines - Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mangangailangan ng masusing pag-aaral ang panukalang mas babaan ang minimum age ng criminal liability kasunod ng serye ng karahasan sa mga eskuwelahan. Ang katuwiran ng Pangulo, may pangangailangan kasi na tukuyin muna ang mga dahilan sa likod ng emosyon o pangamba sa mga menor de edad. “I'm not sure how...

Kabaong na ‘Warning Sign’ sa Benguet-Nueva Vizcaya road, agaw pansin sa mga motorista

0

BOKOD, Benguet - Dahil umano sa walang displina sa mga motorista na madalas ay nagkakaroon ng disgrasya kung kayat isang kabaong ang inilagay sa kahabaan ng Benguet–Nueva Vizcaya Road sa bahagi ng Ambuklao, Bokod, Benguet. Ayon sa Barangay Captain ng Ambuklao na si Rey Tello, hindi layunin ng naturang hakbang na manakot, mang-insulto, o magpakita ng kawalang-galang sa sinuman. Ito raw...