MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mangangailangan ng masusing pag-aaral ang panukalang mas babaan ang minimum age ng criminal liability kasunod ng serye ng karahasan sa mga eskuwelahan.
Ang katuwiran ng Pangulo, may pangangailangan kasi na tukuyin muna ang mga dahilan sa likod ng emosyon o pangamba sa mga menor de edad.
“I’m not sure how that will work. We have to study it further. ‘Yung ating mga (our) child psychologists, ‘yung mga survey na ginagawa,” anito.
Ang pahayag na ito ng Pangulo, nag-iingat na ang panukala ay maaaring magpahiwatig na “children have changed from before.”
Habang tanggap naman ng Pangulo na ang mga kabataan ay nabubuhay sa ibn’t ibang mundo, malinaw aniya na dapat munang malaman kung ano ang nagtulak sa mga bata na gumawa ng karahasan.
“I’m not saying that’s not the case. It’s possible. Nagbago ang mundo eh. Iba ‘yung exposure ng mga bata. Iba ‘yung exposure nila sa social media,” ayon sa Pangulo.
“So maybe that has an effect. We’re not sure. But we’re studying it very well because of the effects of desensitization,” aniya pa rin.
Ayon pa rin sa Pangulo, importante ang opinyon ng mga eksperto, idagdag pa na kinokonsidera niya ang panukala kung ang mga pinagbabatayan na mga isyu ay maayos na natutugunan.
“When it is clear that a certain game or class of games are responsible for the desensitization of our children to violence, then yes, I think we should ban them and we will ban them,” anito.
Sa ulat, tinututulan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang panukalang batas ng pagpapababa ng edad ng mga “children in conflict with the law” ( CICL) o mga menor de edad na lumabag sa batas upang papanagutin sa kanilang criminal liabilities dahil kailanganng tulungang magbago at bigyan ng gabay ang mga ito sa halip na itratong kriminal sa piitan.
Giit nito, mahalagang protektahan ang kapakanan ng mga CICL sapagkat maaari pa anya silang mabigyan ng pagkakataong magbagong buhay.
Binigyang diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahigpit na pagpapatupad ng tamang gabay at rehabilitasyon ng CICLs sa mga pasilidad tulad ng Bahay Pag-asa, upang tulungan umano ang mga kabataang naligaw ng landas ng pagkakataon matuto ng tamang values, karakter at pag uugali at mabigyan sila ng pag asa.makapag bagong buhay sa halip na itrato silang kriminal.
Ayon kay Gatchalian mas naging tiyak siya sa kanyang pagtutol matapos malaman ang kasaysayan sa likod ng mga krimen na nagawa ng mga kabataang naligaw ng landas at ang kanilang pananaw.
Sa ilalim ng nakabinbing pag amyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act (JJWA) of 2006,may panukala dito na ibaba pa sa 10 taong gulang ang batang maaari ng makulong sa minimum age of criminal liability ng mga kabataang nasangkot sa mga heinous crimes o karumal dumal na krimen.
Sa oras na mahatulan sila, ang mga ito ay mawawalan na ng oportunidad na ibangon ang sarili nila sa kanilang pagkakamali. (KRIS JOSE)