4 Indiano, isang Malaysian na blacklisted ng BI, arestado

0

MANILA, Philippines - Naaresto ang apat na lalaking Indian national na na-blacklist na ng Bureau of Immigration (BI) at isang Malaysian national sa Tawi-Tawi, inihayag ng ahensya nitong Martes. Sinabi ng BI na inirekomenda ang lima na kasuhan ng illegal entry, na paglabag sa Section 37(a)(1) ng Philippine Immigration Act of 1940. Ayon sa BI, iniulat ng mga miyembro ng Philippine...

Anak na ‘di na umuuwi ng bahay inatado ng saksak ni erpat!

0

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang 33-anyos na babae matapos na pagsasaksakin ng kanyang ama sa kanilang tahanan sa Barangay Nalsian, Calasiao, Pangasinan. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nasa kanyang silid ang biktima nang biglang pumasok ang kanyang ama na may dalang kutsilyo at sinimulan siyang saksakin. Nakatakas naman ang babae at agad na dinala sa ospital sa tulong ng mga...

Tsuper arestado sa sideline na P6.8M droga

0

CEBU CITY – Nasamsam ang nasa P6.8 milyon hinihinalang shabu mula sa isang public utility jeepney (PUJ) driver sa buy-bust operation dito nitong Lunes, Hulyo 1. Arestado ang 47-anyos na suspek na si Baldo sa Sitio Sindulan, Barangay Mabolo. Ayon sa pulisya, mahigit isang kilo ang bigat ng kontrabando. Sinabi ni Police Major Romeo Caacoy Jr., hepe ng Mabolo police station, na...

OFW tigok sa sakal ng sinturon ng kinakasama

0

MANILA, Philippines — Patay ang isang overseas Filipino worker matapos sakalin ng kanyang kinakasama nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa Malate, Maynila Lunes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Flordeliza Talaro, 27, tubing Davao de Oro at nanunuluyan sa 584-7A Gumamela St., Barangay 704, Malate, Manila. Kusa namang sumuko ang live-in partner nito at suspek na si Jhunrey Basta y...

P64M marijuana nasamsam sa Cordillera nitong Hunyo

0

CAMP DANGWA, Benguet – Nasamsam ng mga pulis ang shabu at marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P64 milyon sa rehiyon ng Cordillera mula Hunyo 1 hanggang 30. Sinabi ng Police Regional Office-Cordillera na 26 na hinihinalang tulak ng droga ang naaresto sa 78 operasyon – 51 marijuana eradication, siyam na buy-bust, walong search warrant, apat na warrant of arrest, limang...

Senior patay, 17 sugatan sa suwagan ng 2 sasakyan

0

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang senior citizen habang sugatan naman ang 17 indibidwal sa banggaan ng Mercedes Benz van at Toyota Wigo na sasakyan sa Barangay Tallungan, Reina Mercedes, Isabela nitong Linggo, Hunyo 30. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Vilma Maneja, 68, pasahero ng Toyota Wigo. Ayon sa imbestigasyon, biglang umokupa sa lane ng Mercedes Benz van...

Ilang pumping stations pinasinayaan sa Navotas

0

PINANGUNAHAN nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang pagbabasbas at inagurasyon ng karagdagang pumping stations, bagong multi-purpose building, bilang bahagi ng 17th cityhood anniversary ng Navotas. Ang Navotas ay mayroon nang 81 pumping stations sa lungsod at ang mga bagong pumping stations ay sa Kanduli, Martiniko, Mamale Site 8, at Mamale Alley sa Brgy. NBBS...

Kinatagpo ng nawawalang Israeli at nobyang beauty queen, isang dating parak

0

MANILA, Philippines - Isang dating parak na nagsilbing middleman ang kinatagpo ng nawawalang magkasintahang Geneva Lopez at Israeli national na si Yitshak Cohen, ayon sa Philippine National Police. "He was dismissed from the police service in February 2020 for AWOL," ani Police Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP kung saan dati itong nakadestino sa Angeles City Police Office. Matatandaang nahanap na ng...

Paslit tigok sa pinakuluang tubig

0

MISAMIS ORIENTAL - Patay ang dalawang taong gulang na batang lalaki sa Cagayan de Oro City matapos aksidenteng mabuhusan ng bagong kulong tubig. Base sa imbestigasyon, nagpakulo ng tubig ang ama para sana pantimpla ng gatas ng kanyang anak na biktimang kinilalang si Cody Ryan Balili. Sa pagbuhos ng ama ng pinakulong tubig sa isang lagayan bigla na lamang itong nagulat...

Ginang natisod sa riles nakaladkad ng tren, tepok!

0

ALBAY - Nakaladkad ng tren hanggang sa mamatay ang isang ginang matapos na matisod sa riles sa Barangay San Nicolas sa Iriga City. Base sa ulat, nagawa pang maisugod ang 57-anyos na biktima sa ospital pero binawian din ng buhay dahil sa matinding mga sugat na tinamo. Napag-alaman na patungo sa Polangui, Albay ang tren ng Philippine National Railways (PNR) na...