Mekanikong sakay ng motorsiklo nalubak sa kalsada, pisak sa sagasa ng closed van

0

MANILA, Philippines - HALOS hindi na makilala ang isang mekaniko nang madurog ang ulo nito makaraang aksidenteng tumumba ang minamaneho itong motorsiklo dahil sa lubak na kalsada at hindi sinasadyang masagasaan ng isang paparating na closed van, gabi ng Linggo, Hunyo 30 sa national highway ng Barangay Dila, Sta. Rosa City, Laguna. Kinilala ang biktimang nasawi na si Michael Noveno...

Higit 22K pulis ipakakalat sa SONA ni PBBM

0

MANILA, Philippines - Mahigit 22,000 pulis ang ipakakalat sa iba't ibang lugar sa bansa kabilang ang mga lugar malapit sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, kung saan ihahatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (Sona) sa Hulyo 22. Sa pahayag na inilabas nitong Lunes, Hulyo 1, sinabi ng National Capital Region Police...

Higit 10K ‘di rehistradong sasakyan huli ng LTO noong Hunyo

0

MANILA, Philippines - Mahigit 10,000 na mga sasakyan ang nahuli sa buong bansa nitong Hunyo sa ilalim ng “No Registration, No Travel” policy ng Land Transportation Office (LTO). Sa pahayag nitong Lunes, Hulyo 1, sinabi ng LTO na nasa 10,461 sasakyan ang nahuli noong nakaraang buwan kung saan 9,212 ang naisyuhan ng traffic violation tickets habang 1,601 na mga sasakyan...

Kaso ng dengue bahagyang tumaas

0

MANILA, Philippines - Naobserbahan ang bahagyang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa habang patuloy ang Department of Health (DOH) ang pagbabantay sa WILD (Water-borne disease, Influenza-like illness, Leptospirosis, and Dengue). Mula na naunang iniulat na pag-plateau, ang bilang ng mga kaso ay nagsimula nang umakyat sa 10% mula 5,547 iniulat noong Mayo 5 hanggang 18, 2024 sa 6,082 kaso...

Convenience store sa Cavite, nilimas na naman ng mga kawatan; empleyado pinosasan

0

MANILA, Philippines - NILIMAS at pinosasan ang empleyado saka tinangay ang nasa P43,000 cash na kita ng isang kilalang convenience store sa isang sangay nito sa Brgy. Biga, Tanza, Cavite. Base sa paglalarawan sa magka-angkas sa isang kulay dilaw na motorsiklo, ang mga suspek at isa dito ay nasa edad 18-25 anyos, nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt, itim na...

July 2, 2024 idineklarang special non-working day sa Pasig

0

MANILA, Philippines - IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang araw ng Martes, Hulyo 2, 2024 bilang special non-working day sa Pasig City. Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may pahintulot ng Pangulo, ang Proclamation No. 612 ay paggunita sa ika-451 Araw ng Pasig. “It is but fitting and proper that the people of City of Pasig be given full...

2 nalunod sa ilog sa Quezon

0

MANILA, Philippines - Patay sa lunod ang dalawang lalaki na nag-picnic sa ilog sa Sierra Madre mountain ranges sa General Nakar, Quezon. Ayon sa Quezon police, kasama nina "Ronald," 32, at "Mark," 34 na kapwa mga residente ng Quezon City, ang mga kaibigan nito para magpicnic sa Agos River sa Barangay Maigang nitong Linggo ng umaga, Hunyo 30. Sa ulat, tinangay...

6M katao naapektuhan ng El Niño sa bansa

0

MANILA, Philippines - Naapektuhan ng El Nino ang mahigit anim na milyong indibidwal sa bansa, ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Hanggang nitong Hunyo 30, nasa kabuuang 6,088,057 katao o 1,585,826 pamilya ang apektado sa 7,697 barangay. Ang mga ito ay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas,...

PBBM nangako ng patuloy na suporta sa capability development ng AFP

0

MANILA, Philippines - PATULOY na susuportahan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 'capability developmet' ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa naging talumpati ng Pangulo sa 77th founding anniversary ng Philippine Air Force (PAF) sa Pampanga, sinabi nito na hindi nagbabago ang pagsisikap na ginagawa ng administrasyon gaya ng makakuha ng karagdagang air assets, paghusayin ang...

Lalaki lasing, nahulog sa ilog sa Davao

0

MANILA, Philippines - Nahulog ang isang lalaki sa Barangay Coronan, Sta. Cruz, Davao del Sur nitong Linggo, Hunyo 30 sa kasagsagan ng malakas na ulan. Ayon sa ulat, nakita umano ang lalaki na tila nakainom dahil pagewang-gewang ito habang naglalakad sa gilid ng ilog. Na-videohan pa ito ng isang netizen at kalaunan ay nakitang nahulog na lamang ang lalaki at tinangay ng...