Senate shooting bilang ‘diversionary tactic’, pinabulaanan ni SP Alan

0

MANILA, Philippines - Itinanggi ni Senate President Alan Peter Cayetano nitong Huwebes ang mga paratang na ang nangyaring pagputok ng baril sa Senado noong Miyerkules ng gabi ay isang “diversionary tactic” para matulungan si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na makaiwas sa posibleng pag-aresto. Ayon kay Cayetano, “100 percent” na walang katotohanan ang alegasyon. “I can tell you, honest to goodness,...

5 persons of interest sa likod ng fake posts matapos Senate shooting, kinumpirma ng DICT

0

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Huwebes na natukoy nila ang limang persons of interest na umano’y nasa likod ng mga social media posts na nagpapakalat ng maling impormasyon at nag-uudyok ng karahasan kaugnay ng insidente ng pamamaril sa Senado noong Miyerkules ng gabi. Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, agad na nag-activate...

PNP: Walang special treatment kay Sen. Bato sa ICC warrant

0

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na walang ibibigay na espesyal na pagtrato kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya dahil sa kasong crimes against humanity. Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr., ipatutupad ng pulisya ang batas nang walang kinikilingan. “Wala...

Articles of impeachment, maayos na naipasa sa Senado – House Sec Gen Garafil

0

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni House Secretary General Cheloy Garafil na matagumpay at naging maayos ang paglilipat ng Articles of Impeachment patungong Senado kagabi, sa kabila ng naging kaganapan sa Senado. Sa isang opisyal na pahayag, binigyang-diin ni Garafil na nanatiling nakatutok ang Kamara sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa ilalim ng Konstitusyon nang may professionalism. “The transmittal of the Articles...

Senado, magko-convene bilang impeachment court sa Mayo 18 – Cayetano

0

MANILA, Philippines - Magpupulong ang Senado bilang impeachment court sa Lunes, Mayo 18, para dinggin ang kaso laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano nitong Huwebes. Sa liham ni Cayetano kay House Speaker Faustino Dy III na may petsang Mayo 14, nakasaad na mag-uumpisa ang pag-convene ng impeachment court bandang 3:00 p.m. Ang hakbang ay...

AFP: Walang destabilization sa likod ng Senate shooting incident

0

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may banta ng destabilization kasunod ng nangyaring pamamaril sa loob ng Senado nitong Miyerkules ng gabi. Ayon kay AFP Chief General Romeo Brawner Jr., nananatiling kalmado at propesyonal ang hanay ng militar at walang dahilan para mag-alala na mauuwi ito sa kaguluhan sa loob ng AFP. “My instructions to...

“Kadiwa ng Pangulo” store sa PNP Camp sa Cabanatuan

0

Nagdaos ang Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ng “Kadiwa ng Pangulo Store in PNP Camp” sa Camp Gen. Mariano N. Llanera sa Cabanatuan City. Sa pamumuno ni PCOL Ritchie R. Claravall, Provincial Director, isinagawa ang aktibidad ngayong araw sa NEPPO Covered Court kung saan nakabili ang mga PNP personnel at kalapit na komunidad ng murang produktong...

Senate shooting na sinasabing ‘palabas lang’, bahagi ng imbestigasyon ng NBI, PNP

0

MANILA, Philippines - Bahagi ng imbestigasyon ng sanib-puwersang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang sinasabing 'palabas lamang' o pagtatanghal lamang ang nangyaring gulo sa Senado, araw ng Miyerkules. "Well, that is a part of an ongoing investigation – ipinasok naman po lahat iyan. Sa ngayon po, magkatulong po ang NBI at ang PNP rerebyuhin po...

Ilang grupo naglabas ng samu’t-saring reaksyon sa P50 rice price cap

0

MANILA, Philippines - Naglabas ng magkakaibang reaksyon ang ilang grupo sa agrikultura matapos ipatupad ng pamahalaan ang P50 kada kilo na price ceiling para sa imported rice. Ayon kay Raul Montemayor ng Federation of Free Farmers, malamang na hindi gaanong maapektuhan ang mga magsasaka dahil halos tapos na ang harvest season. Gayunman, sinabi niyang maaaring bumaba ang presyo ng palay kung...

Suspek sa insidente ng putukan sa Senado, volunteer driver, ‘di empleyado ng NBI – Matibag

0

MANILA, Philippines - Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) director Melvin Matibag na ang driver na naaresto sa shooting incident sa Senado ay hindi opisyal na empleyado ng NBI. Tinukoy ni Matibag si Mel Oragon, kinilala sa isang police report na isang 44 taong gulang na lalaki na sinasabing nagta-trabaho bilang driver ng NBI. Ani Matibag, sa pag-iimbestiga, natuklasan niya...