Barkong may kargadang 8 container ng e-waste, naharang sa Subic
SUBIC BAY FREEPORT ZONE, Philippines - Isang pang barko na may lulang walong (8) container van na naglalaman umano ng mga suspected {electronic}Waste, ang muling naharang ng Bureau of Customs (BoC) Port of Subic na nagmula sa Estados Unidos (USA). Nakumpirma ito mula sa Customs Port of Subic matapos maharang at hindi pinayagang maibaba ang walong (8) 40 ft container...
Pujalte out, Dr. Mercado in bilang kalihim ng DOH – Malakanyang
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Malakanyang na itinalaga ngayong araw ng Lunes, Agosto 10, ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dr. Edwin Mercado bilang bagong kalihim ng Department of Health. Si Dr. Mercado ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay kasalukuyang Acting President and Chief Executive Officer ng PhilHealth. Itinalaga sa PhilHealth si...
52 paaralan ginawang Evacuation Centers dahil sa habagat, Maymay
MANILA, Philippines - Umabot na sa 52 paaralan sa limang rehiyon ang ginawang evacuation centers dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Maymay at Habagat, ayon sa Department of Education (DepEd). Ayon sa ulat ng DepEd nitong Lunes, apektado ang mga paaralan sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Eastern Visayas. Sa kabuuan, 239 silid-aralan ang ginagamit bilang evacuation centers at...
TINGNAN: Paghahanda ng Comelec para sa BARMM Parliamentary Elections
Si Comelec Chairman na si George Garcia at iba pang mga opisyal mula sa ahensya, kasama si Victor Genuino—Pangulo at CEO ng ePLDT & Vitro REIT Inc.—ay nanguna sa isang press conference at isang walkthrough ng Data Center 1 ngayong araw, Agosto 10, sa Barangay Bel-Air, Lungsod ng Makati, bilang paghahanda para sa BARMM Parliamentary Election na...
Nawawalang kolektor sa Leyte, natagpuang patay; suspek, sumuko
LEYTE, Philippines - Natagpuang patay ang isang 21-anyos na babae na nawawala mula pa noong Agosto 3 sa isang bulubunduking lugar sa Isabel, Leyte, matapos umanong sumuko sa pulisya ang isang habal-habal driver at umaming siya ang pumatay sa biktima. Ang biktima ay si Rina Jane Brigildo, kolektor ng CARD (Center for Agriculture and Rural Development) Inc.-Isabel Branch at residente...
Galit ng publiko sa flood control scam, di huhupa hangga’t walang naipakukulong pa – Lacson
MANILA, Philippines - Hanggang hindi nakikita ng taumbayan na makukulong ang tunay na utak at pagbabalik ang nakulimbat na pondo, hindi mawawala ang galit sa isyu ng flood control, giit ni Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson nitong Lunes. Sinabi ni Lacson na muling nag-ibayo ang galit ng publiko sa isyu kasunod ng pagbaha sa ilang bahagi ng bansa nitong weekend...
Pinsala sa agrikultura dahil sa habagat, Luis, Maymay umabot na sa P135.3M
MANILA, Philippines - Umabot na sa ₱135.3 milyon ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa Habagat at mga bagyong Luis at Maymay, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Lunes. Ayon sa paunang pagsusuri ng DA, naapektuhan ang Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas, at umabot sa 4,516 ektarya ng mga sakahan ang napinsala. Kabilang...
Marikina LGU naglatag ng mas malaking flood pumps para sa mas mabilis na paghupa ng baha
MANILA, Philippines - Nagpakalat ang pamahalaang lungsod ng Marikina ng mas malalaking mobile booster flood pumps upang mapabilis ang pag-alis ng baha sa mga Barangay Malanday at Tumana. Ayon kay Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro, ang mga bagong kagamitan ay may kakayahang magbomba ng tubig na tatlong beses na mas malaki kumpara sa mga kasalukuyang nasa Tumana Pumping Station. Layunin nito...
Habagat posibleng humina sa mga susunod na araw – PAGASA
MANILA, Philippines - Posibleng unti-unting humina ang Habagat sa mga susunod na araw matapos mag-landfall sa mainland China ang bagyong Dolphin, ayon sa PAGASA nitong Lunes, Agosto 10. Sinabi ni PAGASA weather specialist Chenel Dominguez na hihina ang bagyo dahil sa pakikipag-ugnayan nito sa kalupaan, kaya maaari ring humina ang Habagat na pinalalakas nito nitong nakaraang linggo. Gayunman, malalakas na pag-ulan...
TINGNAN: Paglilinis ng natumbang puno sa Maynila
Nilinis ng mga tauhan ang mga debris mula sa isang puno ng mangga na bumagsak sa isang kotse sa kahabaan ng mga kalye ng Malabon at Oroquieta sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Lunes, 10 Agosto 2026. Dalawang bahay din ang nawalan ng bubong matapos umanong tumama ang isang tornado sa lugar ng Tayuman kasabay ng malakas na ulan at matinding...












