2 motorsiklo bumagsak sa malakas na hangin, parang buhawi sa Tondo
MANILA, Philippines — Dalawang motorsiklong nakaparada sa isang eskinita sa Tondo, Maynila ang bumagsak matapos hagupitin ng malakas na hanging tila buhawi sa kasagsagan ng habagat nitong Linggo ng gabi, Agosto 9, 2026. Batay sa kuha ng CCTV, kapwa natumba ang dalawang motorsiklo na nakaparada sa Biak-na-Bato Street, Tondo, dahil sa lakas ng hangin. Isa sa mga motorsiklo ay pag-aari ng...
12 kataong nasawi sanhi ng Luis, Maymay, ‘habagat’ bineberipika ng OCD
MANILA, Philippines - Bineberipika pa ng Office of Civil Defense (OCD) ang napaulat na may 12 katao ang nasawi sanhi ng serye ng tropical cyclones at malakas na southwest monsoon, o habagat sa nakalipas na araw. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator for Operations Lawrence Mina na bineberipika pa rin nila ang...
Rollback sa presyo ng langis, naka-umang
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng rollback sa presyo ng gasolina, diesel, at kerosene simula Martes, Agosto 11, ayon sa Department of Energy (DOE). Ang magiging bawas-presyo ay ang mga sumusunod: --Gasolina: ₱4.70 kada litro --Diesel: ₱4.30 kada litro --Kerosene: ₱4.88 kada litro Ayon kay Jetti Petroleum president Leo Bellas, ang pag-asa na humupa ang tensyon sa pagitan ng United States at Iran ay isa...
Halos 4,000 silid-aralan nasira sa habagat, Maymay
MANILA, Philippines - Ayon sa Department of Education (DepEd), 3,924 silid-aralan sa buong bansa ang nasira dahil sa pinagsamang epekto ng dating Bagyong Maymay at habagat. Batay sa ulat ng DepEd hanggang 8 a.m. ng Lunes, 722 paaralan ang naapektuhan. Sa mga nasirang silid-aralan, 751 ang tuluyang nawasak, 818 ang malubhang nasira, at 2,355 ang bahagyang nasira. May 52 paaralan ang...
Halos 586,000 katao apektado ng habagat, Luis, Maymay – NDRRMC
MANILA, Philippines - Umabot na sa 585,993 katao o 170,593 pamilya ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng pinalakas na Habagat at Tropical Cyclones Luis at Maymay, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ayon sa ulat ng NDRRMC nitong Lunes, Agosto 10, naapektuhan ang siyam na rehiyon, 33 lalawigan, 225 lungsod at munisipalidad, at 1,362 barangay. May 4,866...
OVP naghatid ng tulong sa higit 4,000 pamilya sa Ilocos Norte
ILOCOS NORTE, Philippines - Naghatid ang Office of the Vice President (OVP) ng agarang relief assistance sa mahigit 4,000 pamilya na naapektuhan ng pagbaha dulot ng habagat sa Ilocos Norte. Mula Agosto 3 hanggang 7, nagsagawa ng disaster relief operations ang OVP Disaster Operations Center (OVP DOC) upang tulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng enhanced southwest monsoon (habagat) at Tropical...
13 empleyado ng LGU Isabel, Leyte, nagpositibo sa drug test
LEYTE, Philippines - Labintatlong empleyado ng LGU Isabel, Leyte ang nagpositibo sa isinagawang sorpresang drug test noong Agosto 6 at 7, ayon kay Mayor Bennet Pongos. Sa kabuuang 145 empleyado na sumailalim sa pagsusuri, 13 ang nagpositibo. Kabilang dito ang isang regular employee, isang casual worker, at 11 job order personnel. Ayon sa pamahalaang bayan, ang regular employee ay sasailalim sa...
Extradition kay Quiboloy, pinag-aaralan pang mabuti ng gobyerno – Malakanyang
MANILA, Philippines - Sinabi ng Malakanyang na pinag-aaralan pang mabuti ng gobyerno ng Pilipinas ang kahilingan ng gobyerno ng Estados Unidos na extradition ng lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy na kasalukuyang nakakulong sa Pasig City Jail. Nahaharap kasi si Quiboloy sa mga kasong child sex trafficking, malawakang pagpupuslit ng malaking halaga ng salapi (bulk...
Lebel ng Angat Dam, patuloy tumataas sa matinding pag-ulan
BULACAN, Philippines - Malaki ang itinaas ng water level ng Angat Dam sa Bulacan dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, ayon sa PAGASA nitong Lunes, Agosto 10. Bandang 8:00 a.m., umabot sa 170.47 metro ang antas ng tubig ng dam, mula sa 161.81 metro noong nakaraang araw. Lumampas na ito sa 160-meter critical level. Malaking pag-angat ito mula sa...
Bonoan pinatawag ng Sandiganbayan bilang testigo vs Revilla
MANILA, Philippines - Pinatawag ng Sandiganbayan Third Division si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan upang tumestigo laban kay dating Senador Bong Revilla. Ang subpoena ay ipinadala noong Agosto 7 sa PNP General Hospital, kung saan naka-hospital arrest si Bonoan dahil sa kanyang mga sakit tulad ng diabetes, hypertension, at chronic kidney disease. Inatasan din ng...












