8 utas sa hagupit ng habagat, Luis, Maymay – OCD

0

MANILA, Philippines - Tinitiyak ng Office of Civil Defense (OCD) ang ulat na walong katao ang namatay dahil sa pinagsamang epekto ng Tropical Depressions Luis at Maymay at ng Habagat. Ayon sa OCD, ang malalakas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw ay nakaapekto na sa humigit-kumulang 223,000 pamilya o 752,000 katao sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region,...

Singil sa kuryente ng Meralco, bahagyang bababa ngayong Agosto

0

MANILA, Philippines - Bahagyang bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Agosto dahil sa unang bahagi ng P9.5-bilyong refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ayon sa Meralco, bababa ang singil ng P0.0428 kada kilowatt-hour (kWh), kaya ang kabuuang rate ay magiging P14.7833 kada kWh, mula sa P14.8261 kada kWh noong Hulyo. Katumbas ito ng humigit-kumulang P9 bawas sa...

Higit 500 residente sa Olongapo, lumikas sa banta ng baha

0

OLONGAPO, Philippines - Mahigit 500 residente ng Olongapo City ang lumikas mula sa kanilang mga bahay dahil sa pagbaha na dulot ng tuloy-tuloy na ulan dala ng Habagat. Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), 165 pamilya o 517 indibidwal ang naapektuhan at napilitang lumikas. Bandang 4:30 a.m., umabot sa 4 na metro ang tubig sa ilog sa...

La Mesa Dam malapit nang mag-overflow; posibleng pagbaha, ibinabala

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha sa mga mabababang lugar sa kahabaan ng Tullahan River habang malapit nang umabot sa spilling level ang La Mesa Dam sa Quezon City ngayong Lunes, Agosto 10. Ayon sa PAGASA, umabot sa 80.11 metro ang water level ng dam bandang 11:00 a.m., o 0.04 metro na lamang bago maabot ang 80.15...

DPWH Sec. Dizon, personal na ininspeksyon kalagayan ng iba’t ibang lugar sa bansa matapos ng malakas na ulan

0

MANILA, Philippines - Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bawasan ang pasanin ng mga mamamayang filipino dulot ng pagbaha, personal na in-inspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon ang Las Piñas upang alamin ang kalagayan ng komunidad at flood control initiatives ng ahensya. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ayon...

PBBM, buong puwersa ng gobyerno patuloy nakabantay sa pinagsamang habagat, Luis at Maymay

0

MANILA, Philippines - Patuloy na nakabantay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang buong puwersa ng pamahalaan sa sama ng panahon dulot ng pinagsamang habagat, Tropical Storm Luis at Bagyong Maymay. Sa katunayan, pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang situation briefing kasama ang lahat ng ahensyang nakabantay sa kaligtasan ng taumbayan sa mga apektadong lugar. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary...

TINGNAN: Evacuation Center sa QC, binisita ni Mayor Joy Belmonte

0

Nagtungo si Mayor Joy Belmonte sa evacuation center sa Barangay Bagong Silangan upang kumustahin ang mga evacuee at tiyaking natutugunan ang kanilang mga pangangailangan habang sila ay nasa evacuation center.Patuloy rin ang paghahatid ng tulong ng Quezon City Government, kabilang ang pamamahagi ng hot meals ng Social Services Development Department (SSDD).May nakahandang child-friendly space para sa mga bata at...

Higit 800 evacuees sa Maynila, apektado ng habagat

0

MANILA, Philippines — Umabot na sa mahigit 850 indibidwal mula sa 243 pamilya ang lumikas at sumilong sa mga evacuation center sa Lungsod ng Maynila habang nagpapatuloy ang malalakas na pag-ulan dahil sa pinalakas na Southwest Monsoon o habagat. Ayon kay Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Reyes Dela Fuente, patuloy na tinutugunan ng pamahalaang lungsod ang pangangailangan...

Pagbakwit sa mga apektado ng ‘habagat’ pinalakas ng PNP

0

MANILA, Philippines - Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng yunit sa mga lugar na apektado ng Habagat na manatiling naka-heightened alert at palakasin ang preemptive evacuation sa mga komunidad na madalas bahain at magkaroon ng landslide. Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., dapat maging handa ang mga pulis sa search, rescue, retrieval, at...

3 barangay sa Calapan, OrMin ‘di madaanan sa baha

0

ORIENTAL MINDORO, Philippines - Nanatiling hindi madaanan ang ilang kalsada sa tatlong barangay sa Calapan City, Oriental Mindoro dahil sa patuloy na pagbaha dulot ng masamang panahon. Ayon sa pinakahuling road update ng pamahalaang lungsod, apektado ang Barangay Maidlang, Navotas, at Gutad. Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga motorista na iwasan ang mga binahang kalsada at gumamit ng alternatibong ruta para...