MANILA, Philippines- Nakatakdang bumili ang National Food Authority (NFA) ng hindi bababa sa 300,000 metric tons (MT) ng bigas sa 2025, kung saan kumpiyansa si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na maaabot ng bansa ang record para sa produksyon ng palay (unmilled rice) ngayong taon.
Sinabi ni Tiu Laurel, nagsisilbing chairman ng NFA Council, nitong Lunes na bibili ang ahensya ng parehong halaga ng bigas tulad noong 2024, upang saklawin ang 15 araw ng national consumption alinsunod sa amended Rice Tariffication.
“We’re now hopeful we could do better than 2023,” pahayag ng opisyal dahil naapektuhan ng ng tagtuyot noong 2024 dahil sa El Niño phenomenon ang produksyon. Tinatayang aabot ito sa 19.3 million MT, mas mababa sa record na 20.06 million MT na naprodyus noong 2023.
Inaasahan ding magdedeklara ang DA ng food security emergency sa bigas sa Miyerkules, January 22, 2025, dahil nananatiling mataas ang presyo ng nasabing bilihin. RNT/SA