Home ENTERTAINMENT Mark, kumapit na kay Boss Toyo!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Mark, kumapit na kay Boss Toyo!January 20, 2025 16:16 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Para-paraan lang ‘yan.There are many ways to make both ends meet.Pero mas magandang idaan ito sa patas, marangal at wastong paraan.Tulad na lang ng ginawa ni Mark Herras.Kamakailan nga’y hindi napigilang maawa ang dating manager ni Mark nang mabalitaang nagsayaw ang Kapuso actor sa isang gay bar.Bagama’t wala namang nakikitang masama ang marami doon, ikinatwiran ni Lolit na kahit paano’y may pangalan na si Mark.Despuwes, hindi raw nito kailangang magsayaw sa isang entertainment bar.From the economic point of view ay kauna-unawa ang ginawa ni Mark.Pamilyadong tao nga naman ang aktor na magdadalawa pa ang anak sa misis nitong si Nicole Donesa.Lately, viral ang ginawang diskarte ni Mark dahil sa kanyang pagsadya sa shop ni Boss Toyo.Pumunta doon ang Ultimate Male Champion ng Starstruck para ibenta ang ilan sa kanyang mga vintage coins.Pinresyuhan ni Mark ang mga ito nang beinte mil.Tumawad si Boss Toyo nang hanggang P13,000.Humirit uli si Mark ng P18,000 kasama ang ilan sa kanyang mga dance hits CDs.Nagkaayos sina Mark at Boss Toyo sa nasabing halaga.Bago bilhin ang mga inialok na vintage coins ay ipinasuri muna ‘yon ni Boss Toyo sa tinawagang kaibigan na expert sa coin collection.Para-paraan lang talaga to survive! Ronnie Carrasco III